Thursday , November 22 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 5 kidnaper ng Koreano tinutukoy pa ng NBI

5 kidnaper ng Koreano tinutukoy pa ng NBI

011317 NBI korean kidnap

DUMULOG sa tanggapan ng NBI-NCR si Choi Kyung Jin, Korean national, upang humingi ng tulong kaugnay sa asawa niyang si Jee Ick Joo na kinidnap noong Oktubre 2016. (BONG SON)

PATULOY pang tinutukoy ng NBI ang pagkakakilanlan ng lima pang suspek sa pagdukot sa isang Koreanong negos-yante sa Angeles City, Pampanga.

READ MORE:  Drug transaction sa bilibid patuloy – DoJ

Sa ngayon, tatlong suspek pa lamang ang nakikilala at pina-ngalanang respondent sa reklamong kidnapping at serious illegal detention na inihain ng PNP-Anti Kidnapping Group sa DoJ.

READ MORE:  Aquino sisters: Mar kami

Ang tatlo ay kinabibilangan ng isang pulis, driver at isa pang kasabwat.

Sa press conference kahapon, kinompirma ni Atty. Bryan Bantilan, abogado ni Choi Kyung Jin, maybahay ng biktimang si Jee Ick Joo, nasa protective custody na ng PNP-AKG ang kasambahay ng mag-asawang Koreano na kasamang tinangay ng mga suspek.

READ MORE:  ‘Martial law’ sa Davao (Bunsod ng terror threat)

Ayon kay Bantilan, ang kasambahay na pinakawalan din kinabukasan ng mga kidnapper, ay itinuturing na pa-ngunahing testigo.

Napag-alaman, makaraan bayaran ni Choi ang P5 milyon ransom noong 31 ng Oktubre 2016 ang mga suspek sa isang fast food chain sa Angeles City, wala pang “proof of life” o patunay na buhay pa ang kanyang asawa.

(LEONARD BASILIO)

COMMENTS

About Leonard Basilio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved