Friday , September 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 2 kalansay pa natagpuan sa abandonadong bahay (Sa Islamic Center)

2 kalansay pa natagpuan sa abandonadong bahay (Sa Islamic Center)

011317 kalansay Islamic Center

SINISIYASAT ng tauhan ng MPD Station 8 ang limang kalansay na natagpuang magkakapatong na nakalibing sa ilalim ng hagdan sa isang abandonadong bahay sa Islamic Center sa Quiapo, Maynila. (BONG SON)

DALAWA pang kalansay ang natagpuan nitong Huwebes sa abandonadong bahay sa Islamic Center sa Quiapo, Maynila.

Nitong Miyerkoles, nadiskobre ng mga awtoridad ang limang kalansay sa likod ng pader sa nasabing bahay sa Carlos Palanca St.

Sinabi ni Brgy. 648 Chairman Sultan Yusof Guinto, inaasahan nilang mahigit 10 pang kalansay ng tao ang matatagpuan sa nasabing bahay dahil hindi pa nila naiinspeksiyon ang sahig at iba pang dingding.

“Ang nahukay ngayon dalawa, pero kung mahukay yan lahat mahigit 10 ‘yan. E ‘yung flooring di pa nagalaw pero doon pa sa dingding meron pa doon, idinikit doon,” aniya.

Ayon kay Guinto, may natanggap siyang impormasyon na may mga taong isinemento sa loob ng na-sabing bahay noong 2014 bago inabandona noong 2015.

Ang bahay ay sinasa-bing pag-aari ni Shariff Macabato at kanyang kapatid, mga pinsan ng napaslang na si Chairman Faiz Macabato.

Nang itanong kung may nawawalang mga residente sa barangay, sinabi ni Guinto, may tatlong kaso ng missing people sa barangay, kabilang ang isang babaeng Maranao at kaanak ng kanyang pinsan.

Hinala ni Guinto, maaa-ring ang kanyang pamangkin na si Salukodin ay kabilang sa isinemento sa loob ng nasabing bahay.

Patuloy na iniinspeksi-yon ng mga awtoridad ang nasabing bahay upang mabatid kung mayroon pang nakatagong mga kalansay roon.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved