Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / John Lloyd at Angelica, itinatago raw ang tunay na relasyon
John Lloyd at Angelica, itinatago raw ang tunay na relasyon

John Lloyd at Angelica, itinatago raw ang tunay na relasyon

BAGO dumating ang tumilaok naYear of the Rooster ay naka-one-on-one namin si Madam Suzette Arandela sa opisina niya sa Bacood, Sta Mesa at isa sa kanyang hinulaan base sa kanyang vibration ay sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban na hanggang ngayon ay sinasabi ng actor na ‘best of friend’ na lang sila.

Kaya lang, salungat ito sa sinasabi ng baraha ni Madam Arandela na magsyota na muli ang dalawa at tiyak siya sa kanyang nararamdaman. ”Sila na ulit, sila na ‘yun, 90%,” hula nito.

READ MORE:  Pasko-Titap sa GRR TNT

May kasabihang ’friends to lovers, yes but lovers to friends, no’ at pinatunayan ito sa kasalukuyang estado na magmamahalan ang dalawa. Kung nagkahiwalay man, nagkabalikan na ngayon.

READ MORE:  Masyadong concern ang mga basher sa amin — Thea

Ang hindi lang namin naurirat ay bakit kailangang  ilihim sa publiko?

Sa puntong ito, naalaala namin ang pahayag ni Lloydie na hindi siya nagmamadali sa paglagay sa tahimik dahil gusto muna niyang i-enjoy  ang kanyang pagiging single.

Aniya,  ”It’s not about being single, it’s all about enlightenment para sa akin. It’s all about new discoveries about yourself, your life, kung anong gusto mong mangyari.  You only live once and I definitely, I want to make the most of it.”

READ MORE:  Deadma na sa 'pagloloko' ng kanyang papa!

Inamin din ng aktor na puwedeng sila pa rin ng aktres bilang friends forever dahil hanggang ngayon ay wala pa siyang nakikitang ipapalit dito.

STARNEWS UPLAOD – Alex Datu

COMMENTS

About Alex Datu

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved