Thursday , September 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ian Veneracion, personal choice ng writer ng Ilawod
Ian Veneracion, personal choice ng writer ng Ilawod

Ian Veneracion, personal choice ng writer ng Ilawod

NAKATSIKAHAN namin ang Palanca winner na si Yvette Tan na sumulat ng pelikulang Ilawod. Hindi natapos ito para sa Metro Manila Film Festival dahil lagi silang inaabot ng ulan ‘pag shooting nila na mga exterior scenes. Lagi raw napa-pack up ang shooting.

Pero trailer pa lang ay mukhang havey sa takilya ang horror movie na Ilawod. Swak naman kay Yvette dahil mahilig siya sa horror stories.

Choice ni Yvette ang bidang si Ian Veneracion dahil crush niya ito. Bet naman ni Direk Dan Villegas si Iza Calzado dahil tuwing nagkakasalubong sila ay nagtatanungan kung kailan sila magkakatrabaho.

Bukod kina Ian at Iza nasa cast din ng Ilawod sina Epi Quizon, Therese Malvar, Xyriel Manabat, at Harvey. Showing ito sa January 18.

Prodyus ng Quantum Films, MJM Productions, Tuko Films, at Butchi Boy Productions. Malapit nang manakit ang Ilawod.

TALBOG – Roldan Castro

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved