Wednesday , January 16 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Alessandra, ‘di totoong tinanggihan si Direk Mike de Leon
Alessandra, ‘di totoong tinanggihan si Direk Mike de Leon

Alessandra, ‘di totoong tinanggihan si Direk Mike de Leon

HINDI raw totoong tinanggihan ni Alessandra de Rossi na mag-audition kay Direk Mike de Leon para sa pelikulang Citizen Jake.

Nasulat kamakailan na tumanggi si Alex mag-audition kaya marami ang nag-react dahil sayang naman  dahil premyadong direktor sana ang makakatrabaho ng aktres.

Hindi naman masasabing sobrang busy ngayon ni Alessandra dahil as of now ay iisa pa lang ang project niya, ang FPJ’s Ang Probinsyano bilang nanay ni Onyok na nag-aalala dahil nawawala ang anak niya na hindi niya alam na kasama ni Cardo Dalisay (Coco Martin) sa pagtakas  sa bilangguan.

READ MORE:  Dyowa ni songstress, sobrang makapag-demand
READ MORE:  Totoong kinita ng movie, ilahad — hamon ng Star Cinema (Sa patutsada ni Ai Ai na dinaya sila sa box office result ng MMFF)

Sa handler ni Alex kami nagtanong na si Mac Merla ng Cornerstone Talent Management kung bakit tumanggi ang aktres?

Paliwanag ni Mac, ”hindi kami nasabihan na audition na pala ‘yun. Hindi namin alam ang material na gagawin. Hindi kami ready.”

At sobra raw talaga ang panghihinayang din ng aktres, ”oo siyempre, Mike de Leon ‘yun, grabe ang filmography niya. If nakapaghanda lang kami talaga, itutuloy namin ‘yun.”

READ MORE:  Rhian at KC, ba-bye na sa isa’t isa

Baka naman may ibang nakalaan para sa aktres kaya hindi siya natuloy sa pelikula ni direk Mike.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top