Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Prehuwisyong PO1 ng PNP-NPD sa Tondo (Attn: NCRPO RD Gen. Oscar Albayalde)
Prehuwisyong PO1 ng PNP-NPD sa Tondo (Attn: NCRPO RD Gen. Oscar Albayalde)

Prehuwisyong PO1 ng PNP-NPD sa Tondo (Attn: NCRPO RD Gen. Oscar Albayalde)

ISA na namang bagitong tulis ‘este Pulis ng NCRPO ang inirereklamo sa atin, hindi lamang ng isang biktima na kapitbahay niya sa Tondo, Maynila.

Kung maaari nga lang na talupan ng buhay ng mga ka-residente niya sa isang barangay sa Gagalangin, Tondo ‘e matagal na raw nilang ginawa.

Ang inirereklamong pulis ay isang PO1 STEPHEN APARICIO dahil sa pagiging abusado at prehuwisyo sa kanilang lugar lalo na kung ngongo na sa kalasingan?!

Halos gabi-gabi umano ay lango sa alak at kapag tinamaan ng singko litros ay maglalakad sa barangay at maghahahanap ng makukursunadahang prehuwisyohin.

Walang magawa ang mga residente kundi iwasan na lang si PO1 Asaricio ‘este Aparicio kapag senglot na. Duda ng ilang matatanda sa lugar baka raw hindi sa alak lango si Aparicio.

Sonabagan!!!

Ang trip kasi ni PO1 Aparicio kapag off-duty at high ‘este lasing na ay magsukbit ng baril, manita at manutok ng kung sino-sino sa barangay.

Iba pala ang power-trip nito?!

NCRPO RD Gen Oscar Albayalde, puwede bang disiplinahin ninyo si PO1 APARICIO at baka dumami pa ang pulis na katulad niya!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS
READ MORE:  Kredebilidad bitbit ni Inday Sara para sa ama

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved