Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Ang modus operandi ng ‘tongpats’ sa Makati BPLO (Attn: NBI Anti-Graft Division)
Ang modus operandi ng ‘tongpats’ sa Makati BPLO  (Attn: NBI Anti-Graft Division)

Ang modus operandi ng ‘tongpats’ sa Makati BPLO (Attn: NBI Anti-Graft Division)

SA pagkakataong ito, deretso nating tinatawag ang atensiyon ni Atty. Maribert Pagente dahil sa inirereklamong red tape sa tanggapan ng Business Permit Licensing Office (BPLO) na siya ang hepe.

Ganito po ang modus operandi ng umiiral na ‘red tape’ mula 2 Enero hanggang 21 Enero…

‘Yung dalawang insurance company na Stronghold Inc., at Sterling Inc., ay mayroong mesa at computer malapit sa Makati BPLO office.

Alam po ba ninyo kung ano ang trabaho nila?

Sa kanila lang naman dadaan muna ang application ng mga nagre-renew ng business permit at maging ‘yung bagong applicants.

Sila raw kasi ang mag-o-authenticate sa mga insurance company na kinuhaan ng comprehensive general liability (CGL) ng mga nagre-renew at new applicants.

Hello?!

Bakit sila ang mag-o-authenticate?

Insurance Commission ba sila?!

‘E insurance company rin ang Stronghold at Sterling ‘di ho ba, Atty. Pahenge ‘este Pagente?!

Bakit kaya pinapayagan ni Atty. Pagente na ang magproseso ng authentication ay non-government workers? Pero ang ginagamit ay government facilities at ang koryenteng ginagamit  ay binabayaran ng local government?

010917-makati-bplo

Meron bang naipasang ordinansa o kontrata sa pagitan ng dalawang insurance company sa Makati government?

Wattafak!?

Heto pa ang lintik, ang authentication process ay naniningil ng 60% sa kabuuang bayarin ng basic premium ng CGL premium rate?!

Ito umano ay kinokolektong ‘este kinokolekta sa insurance agents/brokers na nag-iisyu ng CGL insurance policy.

Bawat insurance company ay binibigyan ng reseta aka summary ng CGL insurance policy para iyon ang maging basehan ng kuwentahan sa “tongpats.”

Ibig sabihin, pasok lahat sa ‘banga’ kahit walang iniisyung resibo.

Bakit pinapayagan ito ni Atty. Pagente gayong mahigpit itong ipinagbabawal sa Section 193 ng RA 10607 (An Act Strengthening the Insurance Industry)?

Alam din ng mga aplikante na may nilalabag na batas ‘yang Stronghold at Sterling pero kapag tumutol sila, maiipit at matetengga naman ang application nila.

Kaya naman napipilitan silang maghatag ng 60 percent kaysa nga naman matengga ang kanilang mga application.

Alam po ba ninyo kung magkano ang magiging suma total ng 60 percent na ‘yan sa dami ng negosyante at new applicants sa Makati City?!

Aba, mahina po ang P30 milyones sa loob ng tatlong linggo.

Sonabagan!!!

Wala naman problema kung papasok ‘yan sa kaban ng Makati kaso sa bulsa ng ilang tulisan na naman mapupunta ang perang ‘yan?!

Nawala na ‘yan noong panahon ni Kid Peña, bakit nagbalik na naman?

Heto po ang bago: Kahapon nagsimula na ang dalawang insurance company na kolektahin ang 50 percent para sa authentication fee mula sa taxpayers. Nangolekta sila nang walang resibo. Pero nang malaman nilang naisulat na natin ang nasabing insidente, ipinatigil sandali ang kolektong ‘este koleksiyon.

Pero nang mahimasmasan, sinabi umano ni Pagente, “Wag kayong matakot… gawa2 lng yan ng kalaban.”

Sinabi umano ito ni Pagente sa BPLO employees. Pero sabi umano ng mga empleyado, “Bakit kmi matatakot? Sila naman may problema, d naman kmi.”

Araykupo!

Totoo ba ‘yan Mayora Abigail Binay?

Mukhang sasakit ang ulo ninyo diyan, Atty. Pagente!

Paki-explain nga po ‘yang authentication ek-ek na ‘yan na iregular na ‘e may 60 percent pang raket kada premium?!

Paki-explain po, Atty. Pagente!

PREHUWISYONG PO1
NG PNP-NPD SA TONDO
(ATTN: NCRPO RD
GEN. OSCAR ALBAYALDE)

110216-ncrpo-albayalde

ISA na namang bagitong tulis ‘este Pulis ng NCRPO ang inirereklamo sa atin, hindi lamang ng isang biktima na kapitbahay niya sa Tondo, Maynila.

Kung maaari nga lang na talupan ng buhay ng mga ka-residente niya sa isang barangay sa Gagalangin, Tondo ‘e matagal na raw nilang ginawa.

Ang inirereklamong pulis ay isang PO1 STEPHEN APARICIO dahil sa pagiging abusado at prehuwisyo sa kanilang lugar lalo na kung ngongo na sa kalasingan?!

Halos gabi-gabi umano ay lango sa alak at kapag tinamaan ng singko litros ay maglalakad sa barangay at maghahahanap ng makukursunadahang prehuwisyohin.

Walang magawa ang mga residente kundi iwasan na lang si PO1 Asaricio ‘este Aparicio kapag senglot na. Duda ng ilang matatanda sa lugar baka raw hindi sa alak lango si Aparicio.

Sonabagan!!!

Ang trip kasi ni PO1 Aparicio kapag off-duty at high ‘este lasing na ay magsukbit ng baril, manita at manutok ng kung sino-sino sa barangay.

Iba pala ang power-trip nito?!

NCRPO RD Gen Oscar Albayalde, puwede bang disiplinahin ninyo si PO1 APARICIO at baka dumami pa ang pulis na katulad niya!

MAY GIBAAN SA MPD

SIR JERRY, namamayagpag pa rin ang hard loser dto sa MPD. Makasulot lng ng puwesto ay gigibain ang maayos at matinong opisyal. Lalo na ang bataan ni alyas Heneral Piso na ginagamit pa ang mga club owners para siraan ang isang MPD official. Sa mga ganitong klaseng tao mag-ingat si DD Coronel. Huwag po ninyong ilabas ang number ko sir, dating MPD na nalipat sa striking unit ng NCRPO.

+918822 – – – –

MAS PABOR SA ESTILO
NI MAYOR LIM

NOONG panahon na Mayor po si Alfredo Lim ng Maynila ay pinapinturahan niya ng pulang karatula ang identified na pugad ng mga drug pusher. Ito ay mariin na tinutulan ng human rights groups at ‘di na ito ginawa ng sumunod na mayor. Kung titingnan n’yo po ito ay hamak na mas magaan na parusa sa mga nagtutulak kaysa EJK. Nung nawala, ano na ngayon ang pambansang katayuan ng siyudad ng Maynila sa dami ng cases nationwide sa ilegal drugs?

+63905 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS
READ MORE:  Suyo ng Baguio taxi drivers sa LTFRB, pagbigyan!

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved