Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Ang modus operandi ng ‘tongpats’ sa Makati BPLO (Attn: NBI Anti-Graft Division)
Ang modus operandi ng ‘tongpats’ sa Makati BPLO (Attn: NBI Anti-Graft Division)

Ang modus operandi ng ‘tongpats’ sa Makati BPLO (Attn: NBI Anti-Graft Division)

SA pagkakataong ito, deretso nating tinatawag ang atensiyon ni Atty. Maribert Pagente dahil sa inirereklamong red tape sa tanggapan ng Business Permit Licensing Office (BPLO) na siya ang hepe.

Ganito po ang modus operandi ng umiiral na ‘red tape’ mula 2 Enero hanggang 21 Enero…

‘Yung dalawang insurance company na Stronghold Inc., at Sterling Inc., ay mayroong mesa at computer malapit sa Makati BPLO office.

Alam po ba ninyo kung ano ang trabaho nila?

Sa kanila lang naman dadaan muna ang application ng mga nagre-renew ng business permit at maging ‘yung bagong applicants.

Sila raw kasi ang mag-o-authenticate sa mga insurance company na kinuhaan ng comprehensive general liability (CGL) ng mga nagre-renew at new applicants.

Hello?!

Bakit sila ang mag-o-authenticate?

Insurance Commission ba sila?!

‘E insurance company rin ang Stronghold at Sterling ‘di ho ba, Atty. Pahenge ‘este Pagente?!

Bakit kaya pinapayagan ni Atty. Pagente na ang magproseso ng authentication ay non-government workers? Pero ang ginagamit ay government facilities at ang koryenteng ginagamit  ay binabayaran ng local government?

Meron bang naipasang ordinansa o kontrata sa pagitan ng dalawang insurance company sa Makati government?

Wattafak!?

Heto pa ang lintik, ang authentication process ay naniningil ng 60% sa kabuuang bayarin ng basic premium ng CGL premium rate?!

Ito umano ay kinokolektong ‘este kinokolekta sa insurance agents/brokers na nag-iisyu ng CGL insurance policy.

Bawat insurance company ay binibigyan ng reseta aka summary ng CGL insurance policy para iyon ang maging basehan ng kuwentahan sa “tongpats.”

Ibig sabihin, pasok lahat sa ‘banga’ kahit walang iniisyung resibo.

Bakit pinapayagan ito ni Atty. Pagente gayong mahigpit itong ipinagbabawal sa Section 193 ng RA 10607 (An Act Strengthening the Insurance Industry)?

Alam din ng mga aplikante na may nilalabag na batas ‘yang Stronghold at Sterling pero kapag tumutol sila, maiipit at matetengga naman ang application nila.

Kaya naman napipilitan silang maghatag ng 60 percent kaysa nga naman matengga ang kanilang mga application.

Alam po ba ninyo kung magkano ang magiging suma total ng 60 percent na ‘yan sa dami ng negosyante at new applicants sa Makati City?!

Aba, mahina po ang P30 milyones sa loob ng tatlong linggo.

Sonabagan!!!

Wala naman problema kung papasok ‘yan sa kaban ng Makati kaso sa bulsa ng ilang tulisan na naman mapupunta ang perang ‘yan?!

Nawala na ‘yan noong panahon ni Kid Peña, bakit nagbalik na naman?

Heto po ang bago: Kahapon nagsimula na ang dalawang insurance company na kolektahin ang 50 percent para sa authentication fee mula sa taxpayers. Nangolekta sila nang walang resibo. Pero nang malaman nilang naisulat na natin ang nasabing insidente, ipinatigil sandali ang kolektong ‘este koleksiyon.

Pero nang mahimasmasan, sinabi umano ni Pagente, “Wag kayong matakot… gawa2 lng yan ng kalaban.”

Sinabi umano ito ni Pagente sa BPLO employees. Pero sabi umano ng mga empleyado, “Bakit kmi matatakot? Sila naman may problema, d naman kmi.”

Araykupo!

Totoo ba ‘yan Mayora Abigail Binay?

Mukhang sasakit ang ulo ninyo diyan, Atty. Pagente!

Paki-explain nga po ‘yang authentication ek-ek na ‘yan na iregular na ‘e may 60 percent pang raket kada premium?!

Paki-explain po, Atty. Pagente!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS
READ MORE:  Batas ni Sen. Kiko Pangilinan ‘debacle’ sa katarungan

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved