Thursday , September 27 2018
Breaking News
You are here: Home / News / US14-M grant ng China ibibili ng Bangka (Hindi armas)
US14-M grant ng China ibibili ng Bangka (Hindi armas)

US14-M grant ng China ibibili ng Bangka (Hindi armas)

GENERAL SANTOS CITY – Hindi na bibili ng dagdag na mga armas ang gobyerno sa $14 milyon grant na ibibigay ng China sa Filipinas.

Ito ang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorezana kahapon.

Ayon sa kalihim, nauna nilang plano ang pagbili sana ng maraming armas para sa mga CAFGU at sa mga pulis ngunit hindi na itutuloy dahil marami pang reserbang armas.

READ MORE:  Misis binugbog ni mister (Pagkain nilagyan ng lason?)

Dahil dito, uunahin muna ang pagbili ng fast boats para may gagamitin sa paghabol sa mga Abu Sayyaf, gayondin ng drones at sniper rifles.

READ MORE:  Malawakang protesta hinikayat ni Digong (Sa 45 taon ng Martial Law)

Samantala, inihayag ni Secretary Lorenzana, totoo ang pakikipagkaibigan ng Filipinas sa Russia.

Layunin aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng magandang relasyon sa pagnenegosyo at para makakuha ng mga gabay sa ma-kabagong mga teknolohiya ng Russia na maka-tutulong sa Filipinas.

READ MORE:  P6-M manok ng solon nalitson (Poultry farm nasunog)

Ngunit itinanggi ng kalihim na mayroong mi-litary alliance ang Filipinas sa Russia.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved