Tuesday , November 13 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 10-anyos nene patay sa sakal ng ‘rapist’ (Walang banyo dumumi sa tabi)

10-anyos nene patay sa sakal ng ‘rapist’ (Walang banyo dumumi sa tabi)

BACOLOD CITY – Natagpuang patay ang isang 10-anyos batang babae makaraan sakalin ng isang lala-king hinihinalang tangkang gumahasa sa kanya kamakalawa sa lungsod ng Cadiz, Negros Occidental.

Mismong ang ina ng biktima ang nakakita sa bangkay sa damuhan, 100 metro ang layo sa kanilang bahay bandang 1:45 pm.

READ MORE:  Mas talamak na abortion ikinabahala ng CBCP sa RH Law

Ito ay kasunod nang paghahanap makaraan ipabatid ng kambal ng biktima na nawawala bata simula dakong 8:00 am.

Ayon kay Supt. Jose Edel Manzano, hepe ng Cadiz City Police Station, agad nilang ipinasailalim sa post mortem examination ang bangkay ng biktima at napag-alaman na “asphyxia due to strangulation” o sakal ang ikinamatay ng bata.

READ MORE:  Mag-asawang senior citizens hinataw ng kawatan

Hinala ng pulisya, posibleng tinangkang gahasain ang bata ngunit lumaban kaya sinakal ng suspek.

Napag-alaman, dumumi ang bata sa lugar dahil wala silang sariling banyo.

READ MORE:  UMALON at lumatag sa mga pangunahing kalye sa Metro Manila ang...

Ayon kay Supt. Manzano , isolated o malayo sa ibang kabahayan ang tahanan ng biktima.

May nakuhang witness ang pulisya, nagsasabing may nakitang lalaki sa lugar na kinatagpuan sa bangkay pasado 11:00 am kahapon.

Ngunit tinuturing pa lamang itong ‘circumstantial’ at patuloy ang imbestigasyon sa krimen.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved