Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Mang Kepweng ni Vhong, kumikita, paglabas ni Chiquito, hinangaan
Mang Kepweng ni Vhong, kumikita, paglabas ni Chiquito, hinangaan

Mang Kepweng ni Vhong, kumikita, paglabas ni Chiquito, hinangaan

ITO kami mismo ang witness, kasi pinanood namin sa regular screening iyong Mang Kapweng Returns ni Vhong Navarro Roon sa Trinoma sa kanilang second day. Hindi namin masasabing puno, pero siguro mga 90% ng sinehan ang may tao. Bihira na kaming makakita ng ganyan karaming tao sa loob ng sinehan, maliban kung may blocked screening lang.

Noong matapos na ang palabas, habang lumalabas pa ang closing credits, nagulat kami nang biglang buksan na ng sinehan ang ilaw, tapos nandoon pala si Vhong Navarro mismo na nagpasalamat sa lahat ng mga nanood. Natural nagsigawan na ang mga tao sa loob ng sinehan. Pero mabilis naman ang kanilang security, nailabas siya agad bago magkaroon ng stampede.

READ MORE:  Madir ni Kathryn, affected kay Nadine? (Dahil sa pagiging magkamukha raw)

Nagtatawanan ang mga tao sa kabuuan ng pelikula, at dinig na dinig mo ang kanilang reaksiyon nang lumabas ang original na Mang Kepweng. Hindi sinabing si Chiquito iyon, pero kamukha talaga niya ang computer graphics na kausap ni Vhong. Natural lang na iyong mga umabot pa sa panahon ni Chiquito ay matuwa dahil kahit na sa computer graphics ay nakita nila ang isang comedy legend.

READ MORE:  #noToSuicide post ni Vice Ganda, para sa mga kabataan

Kumikita ang pelikula at palagay namin kikita pa iyon. Iyang ganyang klase ng pelikula ang sinasabi nilang lalong lumalakas eh, kasi pinag-uusapan ng mga nakapanood. Hindi kagaya niyong mga pelikulang napanood nitong mga nakaraang araw na pinag-uusapan din, pero ang usapan ay nagsisisi sila at pinanood pa nila.

Pero okey din na hindi nakasali iyang Mang Kepweng sa festival. Kasi iyong festival sa simula pa lang hinulaan na naman talagang magiging flop. Kasi ang mga pelikula nila ay tinipid, mga indie nga eh. Eh iyong Mang Kepweng, halata mong ginastusan iyong computer graphics. Malalaking artista ang nasa cast ng pelikula. Halata mong may puhunan. Hindi mo matatawag na indie iyan. Kasi “indie naman binarat ang pagkakagawa ng pelikula. Indie rin binarat ang mga artista”.

READ MORE:  Metro Manila, zero crime ‘pag umeere na ang Ang Probinsyano

HATAWAN – Ed de Leon

COMMENTS

About Ed de Leon

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved