Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jacky Woo, nagtayo ng branch ng Kusina Lokal sa Davao
Jacky Woo, nagtayo ng branch ng Kusina Lokal sa Davao

Jacky Woo, nagtayo ng branch ng Kusina Lokal sa Davao

PATULOY ang pagdating ng magandang kapalaran sa Japanese actor, director, producer na si Jacky Woo. Dahil ang kanyang first business venture na Pinoy restaurant na pinangalanan niyang Kusina Lokal ay nagkaroon na ng ikalawang branch. Matatagpuan ang bagong Kusina Lokal sa Davao City.

Ayon kay katotong Joe Barrameda, dahil sa magandang kinalabasan ng Kusina Lokal ni Jacky sa Centris Walk sa panulukan ng EDSA at Quezon Avenue ay nagkaroon kaagad ito ng branch sa Davao City. Kamakailan lamang ay binuksan ang Kusina Lokal sa Davao na located sa Bldg A Door 1 & 2 Focal Point Ecowest Drive, sa Ecoland Davao City.

READ MORE:  Aktor na isinasama ni Coco sa Ang Probinsyano, naipagawa ang bahay

May kaibigan daw si Jacky sa Davao na nagkumbinsi sa kanya na magbukas ng branch doon at hindi naman siya nagkamali sa desisyong ito. Patotoo lang ito nang sinabi noon ni Jacky na gusto niyang palaganapin ang Filipino cusines, hindi lang sa Pilipinas, kundi maging sa ibang bansa man.

READ MORE:  Maja Salvador bumigay kina Dennis Trillo at Richard Yap (Sa kanyang latest adult romance drama movie sa Regal at Star Cinema)

Nang naimbitahan kami rati sa Kusina Lokal sa unang branch nito sa Centris Walk, nag-enjoy kami nang husto. Masarap kasi ang mga pagkain dito at ang presyo ay very reasonable.

Sa kasalukuyan ay maganda ang naging pagtanggap ng Davaoeno sa Kusina Lokal na dinumog agad ang nasabing restaurant na parehong-pareho ang menu ng QC branch. Congratulations Jacky!

READ MORE:  Sagot ni Luis kay Angel —Huwag na akong idamay

Hinggil naman sa showbiz career ni Jacky, sa ngayon ay napapanood siya sa Bubble Gang ng GMA-7. Very vocal si Jacky sa pagsasabi kung gaano siya kasayang maging bahagi ng naturang gag-show ng Kapuso Network. Abala rin ngayon si Jacky sa paggawa ng pelikula sa Europe titled Location Hunting.

ALAM NO NA! – Nonie V. Nicasio

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved