Thursday , November 22 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Bigtime drug pusher timbog sa P1.9-M shabu

Bigtime drug pusher timbog sa P1.9-M shabu

KOMPISKADO ang tinatayang P1.9 milyon halaga ng shabu sa naarestong hinihinalang bigtime drug pusher sa isinagawang drug buy-bust operation sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Ang suspek na iniharap sa mga mamamahayag nina Caloocan City Mayor Oscar Malapitan at Northern Police District (NPD) director, Chief Supt. Roberto Fajardo ay kinilalang si Ian Oquendo alyas Monay, 24, ng Pama Sawata, C-3 Road, Brgy. 28 ng nasabing lunsod.

READ MORE:  Marawi attackers 120 na lang, bala paubos na (Ayon sa militar)

Nakuha mula sa suspek ang 1600 gramo ng shabu na aabot sa P1,920,000 ang halaga, ayon sa suspek ay kaya niyang ibenta lahat sa loob lamang ng tatlong linggo.

READ MORE:  680 sakong resin pellets hinaydyak ng driver, pahinante

Ayon kay Caloocan police, Sr. Supt. Johnson Almazan,  naaresto ang suspek sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Group (SAID-SOTG) sa pangunguna ni Insp. Cecilio Tomas Jr., sa labas ng bahay ni Oquendo.

READ MORE:  Libreng kabaong, biskwit, kape at karo (Sa mapapatay na drug pusher)

(ROMMEL SALES)

COMMENTS

About Rommel Sales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved