Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Bahay nina John Lloyd at Toni, sinalanta ng ipo-ipo
Bahay nina John Lloyd at Toni, sinalanta ng ipo-ipo

Bahay nina John Lloyd at Toni, sinalanta ng ipo-ipo

GUESTS sina Allan Paule at Vangie Labalan sa Home Sweetie Home ngayong Sabado.  #HSHByebyeBahay  ang hashtag.

Planong ibenta nina Romeo (John Lloyd Cruz) ang kanilang bahay bilang preparasyon sa paglipat. May mga dumaRating na nag-i-inquire pero tinatakot sila paalis ni Obet—umaasta siyang siga, gumagawa ng kUwento tungkol sa mga patay.

READ MORE:  Comeback movie ni Monsour, ipalalabas sa Asian countries

Ngunit may isang buyer na si Mr. Porres (Allan Paule) na napakainteresado sa bahay at malaki ang offer na pera kina Julie (Toni Gonzaga). Pero balak pala ni Mr. Porres ipabakbak ang bahay dahil magpapatayo siya ng bagong unit.

Pero bago pa man magkaroon ng final decision, nagkaroon ng delubyo—may dumating na ipo-ipo at malakas na ulan. Nasalanta ang barangay at kasama sa nagiba ay ang bahay nina Romeo. Kabado ang lahat lalo nang kailangan lumikas.

READ MORE:  Janella, nalulula sa big projects na ibinibigay sa kanya

Si Romeo, laking gulat nang makauwi galing trabaho at nakitang nasalanta ang kanilang lugar. Sobrang alala siya sa kanyang pamilya. Pero ligtas sila, walang nasaktan. Laking pasasalamat ni Romeo sa mga kapitbahay na malalapit na kaibigan na sina Mang LA, Pinong, at Obet dahil sila ang umalalay at tumulong kina Julie.

READ MORE:  Luis, type raw ni Maine

TALBOG – Roldan Castro

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved