Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 8-anyos, 3 bagets nalunod sa ilog

8-anyos, 3 bagets nalunod sa ilog

BULACAN – Isang 8-anyos paslit at tatlong teenager ang nalunod sa magkahiwalay na insidente sa Bulacan nitong Sabado.

Tinangay nang malakas na daloy ng tubig ang magkaklase na sina Jaysi Balitaosan, 19, at Jericho Burgos, 18, nang lumangoy sila sa Angat River sa Norzagaray.

Sinasabing may shooting ng isang short film ang dalawang binatilyo at napili ang Bakas Resort dahil sa taglay na ganda ng lugar.

READ MORE:  Amang pumatay sa mag-ina timbog

Ngunit dahil dayuhan sa lugar ang mga estudyante, hindi nila alam na tuwing tanghali tumataas ang tubig sa lugar dahil sa pagpapaandar ng turbine sa Angat Dam.

READ MORE:  EJKs ‘bala’ sa 2019 polls (Ikakarga sa drug war) — Santiago

Ito ang pinaniniwalaang dahilan ng mga awtoridad sa kanilang pagkalunod.

Patuloy ang rescue operations at umaasa ang pamilya ng mga biktima na matatagpuan silang buhay.

Samantala, dalawa rin ang nalunod sa ilog sa Brgy. Kaingin sa San Rafael, Bulacan.

Napag-alaman, hinuhugasan ng isang lalaki at ng kanyang dalawang anak ang kanilang truck sa ilog nang malunod ang dalawa niyang anak.

READ MORE:  Piskal muntik magantso, 2 arestado

Ang dalawang biktima ay may edad 8-anyos at 16 anyos.

Nakuha na ang bangkay ng isang biktima ngunit patuloy pa ang paghahanap sa isa pang bata.

(MICKA BAUTISTA)

COMMENTS

About Micka Bautista

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved