Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Sanggol inilaglag, 26-anyos ina kinasuhan ng aborsiyon
Sanggol inilaglag, 26-anyos ina kinasuhan ng aborsiyon

Sanggol inilaglag, 26-anyos ina kinasuhan ng aborsiyon

NAHAHARAP sa kaso ang isang 26-anyos babae nang namatay ang isinilang niyang sanggol dahil sa paggamit ng Cytotec sa Pandacan, Maynila.

Si Marivic Mapesa, may live-in partner, ng 2062 Lozada St., Pandacan, Maynila ay sasampahan ng kasong abortion.

Ayon sa imbestigas-yon ni SPO2 Jonathan Bautista ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong 1:20 am nang ideklarang patay ang isinilang na sanggol ni Mapesa sa delivery room ng Ospital ng Maynila.

READ MORE:  P.5-M shabu kompiskado sa kanang kamay ng drug lord

Nauna rito, isinugod ni Ian Lee Carl, boyfriend ni Mapesa, sa ospital ang suspek nang dumaing nang matinding pananakit ng tiyan habang nasa trabaho bilang waitress sa Buendia, Makati City.

READ MORE:  Sextortionist arestado ng NBI

Gayonman sa imbes-tigasyon ng pulisya, i-namin ni Mapesa na bago ang pananakit ng kanyang tiyan ay naglagay siya ng dalawang pirasong Cytotec sa kanyang ari dakong 9:00 pm kamakalawa habang siya ay nasa trabaho.

READ MORE:  Capacity building & gender dev’t seminar inilunsad ng IPAP, DoLE-NCMB

Nang nakaramdam nang pananakit ng tiyan, dinala siya ng boyfriend sa ospital at nagsilang ng sanggol na babae ngunit idineklarang patay dahil sa paggamit ng Cytotec.

(LEONARD BASILIO)

COMMENTS

About Leonard Basilio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved