Thursday , September 23 2021

Madir ng dating magka-loveteam, naging magdyowa

SHOCKING Asia kami sa tsikang nasagap namin mula sa isang reliable source na kinompirmang magdyowa ang mga madir ng dating magka-loveteam.

Yes, hindi po kayo namamalikmata. Parehong babae ang involved sa kuwentong ito na noon pa pala ay mayroon nang relasyon.

Ang siste, iisa pala ang paaralang pinangalingan nila, na matatagpuan sa Maynila. Bagamat kapwa sila nagkarelasyon sa lalaki at nagkaanak ay patuloy pa rin pala ang kanilang girl-to-girl relationship.

Nagbunga sila ng mga artistahing anak by their respective men. Isa roon ay isang sikat na aktres na nalilinya sa drama, habang ang isa nama’y dating boy-next-door.

At parang pinagtiyap ng pagkakataon. Many years later ay naging magkatambal pa ang mga anak ng magdyowang madir!

Da who ang mga dyunakis nila na ewan kung aware na ang kanilang mga madir ay magkarelasyon? Itago na lang natin sila sa alyas na Jade Santa Maria at Paolo Pistacchio.

(Ronnie Carrasco III)

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Manny Pacquiao, Jinkee Pacquiao

Jinkee suportado ang pagtakbo ni Manny sa pagka-pangulo

FACT SHEETni Reggee Bonoan KAHAPON naman ay ipinost ng wifey ni Senator Manny Pacquiao, si Jinkee Pacquiao sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *