Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jack Reid, na-inspire sa kasikatan ni James kaya pinasok ang showbiz
Jack Reid, na-inspire sa kasikatan ni James kaya pinasok ang showbiz

Jack Reid, na-inspire sa kasikatan ni James kaya pinasok ang showbiz

ANG pagiging sikat ni James Reid ang naka-inspire kay Jack na pasukin ang showbiz. Ito ang sinabi ng nakababatang kapatid ni James sa presscon ngDarkroom na buwenamanong handog ng Viva Films na mapapanood sa Enero 18.

Ani Jack, si James ang nag-encourage sa kanya na mag-artista kaya naman hindi niya pinalampas nang isama siya ng Viva sa Darkroom, isang documentary horror movie kasama ang iba pang teenager na sina Ella Cruz, Bret Jackson, Donnalyn Bartolome, AJ Muhlach, at Rose Van Ginkel.

READ MORE:  Makamandag na direktora, magaling magdala ng kakyondian

Magkahawig sina James at Jack, pero siyempre, mas guwapo pa rin ang kuya nitong si James. Ang pareho lang sa kanila ni James ay pareho silang slang na given naman ‘ýun dahil sa Australia sila lumaki. Bale 1 ½ years pa lang sa bansa si Jack kaya nag-aaral pa raw siyang pagbutihin ang pagta-Tagalog.

READ MORE:  Grade na A ng Bakwit Boys, may dahilan

“I’ve been inspired eversince he won ‘PBB’ (Pinoy Big Brother),” ani Jack. “And it was different for me because at least, I have James to help me out if I have any problems.”

Ani Jack, hindi niya akalain na mananalo si James sa PBB. ”No one did. So, when he did, it was really crazy and insane. It was really eye-opening,” sambit ng 18 taong gulang na binata.

READ MORE:  Baguhang actor, masuspinde rin kaya dahil sa pagkalat ng sex video?

Sa paglabas ni Jack, alam niyang ikukompara siya kay James, pero okey lang daw iyon. ”It’s only normal coz I’m his brother. It happens to everyone, so I don’t really mind,” anito.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved