Friday , September 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Popularidad nina Maine at Kathryn, ‘wag nang ambisyonin ni Nora
Popularidad nina Maine at Kathryn, ‘wag nang ambisyonin ni Nora

Popularidad nina Maine at Kathryn, ‘wag nang ambisyonin ni Nora

HINDI ba masyadong malupit naman iyong sinasabing kailangang “magpahinga” na sa kanyang career si Nora Aunor? Palagay namin hindi naman siguro retirement, kundi sikaping makahanap ng mga mahuhusay na proyekto, tigilan na niya iyang mga indie na hindi naman kumikita at lalo lang na naglulubog sa kanyang popularidad, at sikaping ilagay sa ayos ang takbo ng kanyang career.

Huwag na niyang ambisyoning makababalik pa ang rivalry nila halimbawa ni Ate Vi, o matapatan pa niya ang mga popularidad ngayon nina Maine Mendoza oKathryn Bernardo. Tapos na para sa kanya ang panahong iyon. Pero maaari siyang gumawa ng isang estadong maglalagay naman sa kanya sa tama niyang kalagyan, hindi kagaya niyang sinasabihan siyang lumabas sa isang flop na pelikula na nasisilat pa sa awards, at take note, nagagawa pang pintasan ng mga taong may kinalaman sa festival talaga.

Pero bakit nga ba isinali pa nila ang pelikula ni Nora eh pinipintasan din naman nila?

HATAWAN – Ed de Leon

COMMENTS

About Ed de Leon

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved