Monday , November 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Mojack, sold-out ang show sa Hudson Mall, New Jersey!
Mojack, sold-out ang show sa Hudson Mall, New Jersey!

Mojack, sold-out ang show sa Hudson Mall, New Jersey!

MASANG-MASAYA ang masipag na singer/comedian na si Mojack sa kanyang unang show sa Amerika. Ilang araw kasi bago ito ganapin, sold-out na ang tickets sa naturang show. Bukod sa sobrang thankful ni Mojack, aminadong excited na siyang magpakitang gilas sa mga Kano at Kababayan na nasa Tate.

“Happy naman po na kahit paano ay naka-sold out naman ng tickets at sa Friday na ang show, excited na ako. Super excited ako dahil this is the first and talagang maraming Filipinos here na iginagapang ang show na ito. These people are so amazing,” panimula ni Mojack.

READ MORE:  JC de Vera, humahataw ang career mula nang lumipat sa ABS CBN

Bakit mo naisipang gawing tribute na rin ito kay Blakdyak? “Kaya ko naman trinibute kay Blakdyak ang show ko, because di talaga namin matatawaran ang aming samahan noon ni Blakdyak. Sobrang close talaga kami na parang magkapatid.”

Sasabak si Mojack sa kanyang unang show sa Amerika na gaganapin sa Hibachi Grill & Supreme Buffet sa January 6, 2017, 7:30 to 10:30 pm, located sa Hudson Mall, 701 Route 440, Jersey City, NJ. Ang tickey ay $40, inclusive ang eat all you can dinner. Ito’y mula sa Three Kings Presentation at pinamagatang Mojack Has Landed in Eat Coast (Tribute to Blakdyak).

READ MORE:  Barbie Forteza nahanap kay Addy Raj ang katapat

Sobra-sobra rin ang pasasalamat niya sa blessings sa kanya ni Lord. “First ever show ko here in the US. Kaya salamat kay God, He’s always on my side, He help me po a lot.

“Wala akong masabi sa mga blessings sa akin ni Lord, speechless ako, natutulala na parang, ‘Bakit ang daming lumalapit na show sa akin ngayon?’ All I can say is… more blessings pa Lord para sa family at friends ko,” masayang esplika niya.

Ano-ano ang mga kakantahin mo rito? “Ang repertoire ko po, assorted pa rin ang songs ko pero di mawawala ang mga songs na pinasikat ni Blakdyak gaya ng Noon at Ngayon, Hayop Na Combo, at Modelong Charing.”

READ MORE:  Boy Abunda at Vice Ganda sumuporta sa LGBT Pride March ni San Juan Vice Mayor Janella Estrada

Naaliw nga kami sa mga FB post ni Mojack na animo model na rumarampa sa New York. Nabanggit ni Mojack sa amin na isa pa sa dream niya ang maging model din sa Amerika. “Yes Kuya, isa rin iyan sa dream ko, ang maging model sa New York.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved