Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Vhong, hindi pa handang magpatali
Vhong, hindi pa handang magpatali

Vhong, hindi pa handang magpatali

“Tiningnan ko sila, kasi, may iba sa mga kasama ko sa ‘Showtime’, may asawa na. Teka lang! Ako ang nauna sa ­inyo, eh.”Ito ang naging pahayag ng actor/dancer/host na si Vhong Navarro sa presscon ng Mang Kepweng Returnsna mapapanood na sa January 4, 2017.

READ MORE:  Jessy, ‘di nagdamot sa entertainment press

“Twenty-one years old ako noong nagpakasal, ‘di ba? Kaya lang po, annulled na rin po ako.

“‘Yun po ang round one. Sabi ko, may round one, eh. Pero mayroon namang round two, pero soon. May mga bagay lang po ako na inuuna lang sa ngayon.

READ MORE:  John at Sid, posibleng magka-Ulcer

“Kumbaga, ayoko lang po masabi na parang bibiglain lang o walang kaplano-plano. Siyempre itong babae pong kasama ko po ngayon ay isa po ‘to sa nagmahal sa akin ng buong-buo.

“Kaya gusto ko ibigay sa kanya ‘yung pinakamagandang wedding, at ito ‘yung dream wedding namin. Hangga’t maaari po sana, lagi niyang iniintindi sa mga bagay na kailangan ko munang unahin, at alam naman niya ‘yun eh,” giit pa ni Vhong.

READ MORE:  Kris Aquino may touching message kay James!

MATABIL – John Fontanilla

COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved