Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pagiging sweet ni Kim kay Gerald, binigyan ng malisya
Pagiging sweet ni Kim kay Gerald, binigyan ng malisya

Pagiging sweet ni Kim kay Gerald, binigyan ng malisya

“PLEASE stop making stories! Hindi po nakatutuwa. Pasko pa naman. May you find Christmas spirit in your heart,” tugon ni Kim Chiu sa kanyang Twitter Account dahil sa isang intrigerang netizen.

Binibigyan ng malisya ng naturang netizen ang pagiging sweet umano nina Kim at ang ex-boyfriend nitong si Gerald Anderson sa comeback serye nilang Ikaw Lang Ang Iibigin. Dinagdagan pa ito ng tsismis na sabay umano na umalis sina Kim at Gerald. Hindi pa riyan natatapos ang imbento ng netizen dahil pinalalabas din niya na sumakay si Kim sa car ni Gerald. Kesyo, nag-usap daw si Kim at si Mommy Vangie (ina ni Gerald)  sa loob ng car ng aktor.

Kalorky … Christmas na Christmas, hindi pinatawad ng mga imbentor si Kim!

Tantanan niyo sila. May kanya-kanyang buhay na sina Kim at Gerald. Huwag nang mag-ilusyon, ‘no?

Kung magsasama man muli ang dalawa sa serye ay dahil trabaho lang at gusto rin nilang pasiyahin ang mga Kimerald.

Pak!

( Roldan Castro )

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved