Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Arogante at bastos na immigration officer
Arogante at bastos na immigration officer

Arogante at bastos na immigration officer

MUKHANG nagkamali ang pamunuan ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa pagtatalaga kay Immigration Officer Claveria bilang ‘frontliner’ sa itinuturing na “gateway” ng bansa.

Mantakin ninyo, mga suki, ang napiling ‘bastusin’ at pakitaan ng ‘kagaspangan’ ng ugali ni IO Claveria ay tatlong matataas na opisyal ng Manila International Airport Authority (MIAA), kabilang na si MIAA General Manager Ed Monreal.

Bilang port courtesy at pagpupugay, sinalubong nina GM Monreal, Action Officers Manny Rodriguez at Danny Chua ang arriving guest na founder/president ng Alumni Association ng Alma Mater ni GM Monreal.

Bago mag-touch-down ang Malaysian Airlines flight na sinasakyan ng guest na sasalubungin ng tatlong MIAA officials, nagpaalam pa sila (take note: MIAA officials nagpapaalam ha?) sa Immigration On-Duty Supervisor Jamisola bago lumapag ang Malaysian Airlines flight.

031816 immigration NAIA plane

Nagkataon na ang On-Duty Immigration counter ay si IO Claveria ang nakaupo, at doon idinaan ang nasabing guest. Ngunit laking gulat ng MIAA officials nang biglang nag-astang ayaw i-clear ni IO Claveria ang VIP guest dahil sa kawalan umano ng APEC ticket.

Anak ng tokhang!!!

Napilitan lamang iproseso ang travel document ng guest nang mapansin na humahaba na ang pila sa kanyang counter.

Nakatalikod na palakad ang guest nang biglang suminghal nang maanghang na complimentary remarks, at sinabing, “Sa susunod, dumaan pa ulit kayo rito!”.

Wattafak?!

Hindi pa nakontento si IO Casmot ‘este’ Claveria at pagalit na sinabihan si AO Rodriguez na, “Sa susunod, Sir  ‘pag dumaan kayo rito me APEC ticket na kayo!”

Sonabagan!!!

Ang inasal ni IO Claveria ay malinaw na ‘kabastusan’ kundi man ‘kawalan ng pinag-aralan.’

Hindi gagawin ng isang taong sibilisado at professional ang ipinakitang masamang asal ng nasabing immigration officer.

Sa pagpo-prifile, makikitang nakasuot sila ng “yellow annual ID.” Napakalinaw ng nakasaad — “All Areas.”

Ang bad manners and wrong conduct na ipinakita ni IO Claveria bilang ‘frontliner’ ng airport ay nagpapakita ng “Disrespectful to the MIAA officials” at “Conduct Unbecoming of an Immigration Officer” isang malinaw na ground para tanggalan ng ID o Access saan mang sulok o bahagi ng NAIA. Walang puwang sa airport ang mga taong tulad ni IO Claveria.

Mahigpit ang paalala ni BI-NAIA Head Mark Mariñas sa kanyang mga tauhan na laging maging magalang at mapagkumbaba sa lahat ng pasaherong dumaraan sa paliparan. Mukhang wala ito sa utak ni IO Claveria!

BI Comm. Jaime Morente, saang lupalop ba nag-training si Claveria!?

Sa Syria ba!?

Hosme!

PERA NA
NAGING BATO PA

081216 AFP PNP

MALAKI ang panghihinayang ng ilang opisyal ng Philippine National Police (PNP) sa napabalitang ‘bonus’ ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Mantakin ninyo P100,000 – P400,000 daw ang ipagkakaloob ng Pangulo sa mga opisyal ng PNP?!

Aba, e parang nakini-kinita nating naglundagan sa tuwa ang mga heneral sa PNP…

‘Yun lang, nayupi ang mukha ng mga heneral sa Armed Forces of the Philippines (AFP)…

Bakit daw sila, wala? Waley s in ZERO!

Kaya siguro mabilis na binawi ng Pangulo ang napapabalitang pamamahagi ng bonus sa PNP generals.

Imbes cash, bigas na daw ang ibibigay ng Pangulo. Tig-iisang sakong bigas…

Kuwarta na naging bato pa.

‘E paano kaya ‘yung mga nabigyan na?! Magsauli pa kaya sila?

Arayku!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS
READ MORE:  CIDG ‘kolektong isyu’ matutukan kaya?

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved