Friday , May 24 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Misis pinatay, mister kritikal sa suicide-try
Misis pinatay, mister kritikal sa suicide-try

Misis pinatay, mister kritikal sa suicide-try

KORONADAL CITY – Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang misis nang saksakin ng kanyang mister na kritikal ang kalagayan sa pagamutan nang tangkang magpakamatay sa bayan ng T’boli, South Cotabato kamakalawa.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente habang mahimbing na natutulog ang kanilang 4-anyos anak.

Nag-ugat ang away ng mag-asawa dahil sa matinding selos ng mister na nagresulta sa kanilang mai-nitang argumento na humantong sa pananaksak sa ginang.

Nang makitang patay na ang misis, nagtangkang magpakamatay ng mister sa pamamagitan ng pagsaksak sa sarili.

Tumangging isapubliko ng pamilya ang pagkakakilanlan ng mag-asawa habang patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top