Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Arci, namangha sa kahulugan ng extra service
Arci, namangha sa kahulugan ng extra service

Arci, namangha sa kahulugan ng extra service

TINANONG ang tatlong leading men ng pelikulang Extra Service na sina Ejay Falcon, Vin Abrenica, at Enzo Pineda. Manghang-mangha si Arci Munoz kung ano ang ibig sahihin ng extra service.

Hitsurang pa-virgin effect ang dating.

Anyway, nag-deny ang tatlong lalaki pero aminado sina Ejay at Enzo na nagpapa-home service para magpamasahe.

“Hindi po ako, malinis po ako,” tugon ni Vin sabay tawa.

“Extra rice lang ang natitikman ko,” dagdag pa niya.

READ MORE:  Anne, nagsikap: mula sa chuwariwariwap lang, ngayo’y leading lady na ni Dingdong

Wala naman daw nagtatanong kina Ejay at Enzo ‘pag nagpapamasahe kung gusto raw nila ng extra service. Pero tinatanong daw si Enzo kung gusto magpa-extend ng massage.

Si Vin naman daw ay tinatanong lang kung hard or soft, kung hard daw ba o harder?

Samantala, tampok ang Extra Service bilang opening salvo ng Star Cinema at Skylight Films sa   January 11, 2017. I-experience ang kasiyahan, adventure, at tawanan kasama sina Coleen Garcia, Arci, at Jessy Mendiola at alamin kung magtatagumpay ang #SexySquad sa kanilang misyon.

READ MORE:  Alden, papalitan ang show ni Uge sa GMA

Naluha at inubo kami sa katatawa sa Ang Babae sa Septic Tank

NAPANOOD naming ang MMFF entry ni Eugene Domingo na Ang Babae sa Septic Tank 2. SIya lang ang puwedeng gumawa sa karakter na ‘yun sa pelikula. Malaki ang laban niya sa filmfest bilang Best Actress. Ibang Eugene ang ipinamalas niya sa kanyang comeback movie. Effective ang dalawang taong pamamahinga niya dahil bago ang nailabas niya.

READ MORE:  Meet The Mormons movie, isang pagtanaw sa buhay ng mga Mormons

Maluha-luha kami at inubo sa sobrang tawa sa ending ng pelikula. Havey talaga.

Naniniwala kami na maaabot ng masa ang comedy nila dahil nagawang matino ang patawa nila sa Ang Babae sa Septic Tank.

TALBOG – Roldan Castro

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved