Thursday , November 22 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 3 drug suspect patay sa Oplan Galugad (3 arestado)
3 drug suspect patay sa Oplan Galugad (3 arestado)

3 drug suspect patay sa Oplan Galugad (3 arestado)

PATAY ang tatlong hinihinalang sangkot sa ilegal na droga makaraan makipagpalitan ng putok sa mga pulis habang tatlo ang naaresto sa Oplan Galugad sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni S/Supt. Johnson Almazan, hepe ng Caloocan City Police, ang isa sa mga namatay na si Michael Fronda, 26, fish vendor, taga-Ignacio Compound, Lupang Pangako, Brgy. 162, Sta. Quiteria habang inaalam pa ang pagkakilanlan ng da-lawa pang namatay sa o-perasyon ng pulisya.

READ MORE:  Baril nakalabit ng sekyu, 3 sugatan

Ayon kay Almazan, dakong 6:20 pm, nagpatupad ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP)-7, sa pangunguna ni Sr. Insp. Amor Cerillo, dahil sa ulat na talamak na illegal drug trade sa Ignacio Compound, Lupang Pangako, Brgy. 162 sa Sta. Quiteria.

READ MORE:  10-M deboto dadagsa sa traslacion ng Black Nazarene
READ MORE:  CPP bumilib sa posturang anti-US ni Duterte

Lumaban sa mga awtoridad ang mga suspek, na nagresulta sa kanilang pagkamatay.

Naaresto ang iba pang mga suspek na sina Geraldin Cabanatan, 28; Richard Naron, 21, at McJerald Abelardo, 22, pawang residente sa nasabing lugar.

(ROMMEL SALES)

COMMENTS

About Rommel Sales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved