Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Rekomendasyon ng solons: Medical exam kay Duterte (Biro ng pangulo sa health issue sensitibo — Law expert)
Rekomendasyon ng solons: Medical exam kay Duterte (Biro ng pangulo sa health issue sensitibo — Law expert)

Rekomendasyon ng solons: Medical exam kay Duterte (Biro ng pangulo sa health issue sensitibo — Law expert)

INIREKOMENDA ng ilang mambabatas kay Pangulong Rodrigo Duterte na sumalilalim sa medical examination at ispubliko ang ano mang magiging resulta nito.

Ito ay makaraan aminin ni Pangulong Duterte na gumagamit siya ng matinding uri ng painkiller dahil sa pananakit na kanyang nararamdaman.

Magugunitang kamakailan, isinapubliko ng Pangulo na dati siyang umiinom ng gamot na kadalasang inirereseta sa mga may sakit na cancer.

Ngunit kasunod nito, ang paglilinaw ni Pangulong Duterte na pinatigil na siya ng kanyang doktor na gumamit ng naturang gamot dahil sa abuso na ang paggamit nito.

READ MORE:  16 lugar signal no.1 sa Bagyong Zoraida

Dahil dito, iminungkahi ni Bayan Mun Rep. Carlos Isagani Zarate na dapat sumailalim sa medical examination si Pangulong Duterte.

Aniya, sa pamamagitan ng naturang hakbang ay malilinawan ang mga kumakalat na espekulasyon hinggil sa kondisyon ng kalusugan ng chief executive.

BIRO NG PANGULO
SA HEALTH ISSUE
SENSITIBO
— LAW EXPERT

READ MORE:  142 Pinoy peacekeepers deretso sa isla (Mula sa Liberia na may Ebola)

NABABAHALA si San Beda graduate of law, Dean Fr. Ranhilio Aquino sa pabago-bagong pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte, hinggil sa sensitibong mga usapin.

Pinakabago rito ang tungkol sa kalusugan, sinabi niya noong isang linggo, mayroon siyang mga dinaramdam sa katawan at posibleng hindi na matapos ang anim taon na termino.

Ngunit kamakalawa lamang, sinabi niyang niloloko lang niya ang media, ngunit pinaniwalaan aniya agad ang kanyang mga sinabi.

READ MORE:  26 indibidwal positibo sa HIV/AIDS (Sa Eastern Visayas)

Para kay Aquino, mahirap na ngayong malaman kung alin ang seryoso at alin ang mga biro.

May implikasyon aniya ito sa mga polisiya ng gobyerno dahil maging ang mga magpapatupad at ibang stakeholders sa mga patakaran ay naghihintay na lang palagi kung babawiin ng pangulo ang kanyang sinabi o kung ito ay totoong paiiralin.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved