Friday , September 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Pedicab driver itinumba ng vigilante
Pedicab driver itinumba ng vigilante

Pedicab driver itinumba ng vigilante

PATAY ang isang pedicab driver makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek na hinihinalang mga miyembro ng vigilante group, habang natutulog ang biktima sa gilid ng computer shop kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Agad binawian ng buhay ang biktimang si Cornelio Bernardo, 40, ng 381 Sitio 1, Brgy. 2, na-tagpuang may tama ng bala sa ulo.

Ayon kay Caloocan Police Community Precinct (PCP) 2 commander, Chief Insp. Moner Orang, dakong 1:00 am na-tutulog ang biktima sa kahoy na mesa sa gilid ng Macropyre Computer shop sa A. Mabini Street, Brgy. 3, Sangandaan nang dumating ang apat suspek na pawang naka-helmet at face mask, at pinaputukan sa ulo ang biktima.

( ROMMEL SALES )

COMMENTS

About Rommel Sales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved