Tuesday , October 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Payag ba kayong maging presidente si Manny “PacMan” Pacquiao?
Payag ba kayong maging presidente si Manny “PacMan”  Pacquiao?

Payag ba kayong maging presidente si Manny “PacMan” Pacquiao?

Seryoso kaya si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na iendoso si Senator Manny Pacquiao para maging susunod na presidente ng bansa?!

Aba ‘e ang tawag na natin diyan kay Sen. Manny ‘e super lucky kapag nangyari ‘yan.

Mantakin ninyo, naging Congressman at Senador ang pambansang kamao at ang kasunod ay magiging Panggulo ‘este Pangulo pa ng ating bansa.

Wowowin!!!

Tiyak mag-aalboroto na naman ang mga elitistang intelektuwal diyan sa endorsement na ‘yan ni Digong.

Hindi kaya tumakbo ring president si Madam Senator Leila De Lima kapag nag-push nang tuluyan si Senator Manny sa pagka-presidente?!

At kung magkakaroon ng malaking pagbabago ngayon sa administrasyon ni Pangulong Digong, tiyak na lalakas din ang endorsement niya kay Sen. Pacman.

Anyway, sabi nga ‘e, it’s too early to talk about this matter…

Let us just wait and see.

By the way, belated happy birthday Sen. Manny Pacquiao!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS
READ MORE:  Foreign PR firm sampal kay Secretary Sonny kolokoy ‘este Coloma

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved