Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kapamilya na namin si Jodi — Mayor Lani
Kapamilya na namin si Jodi  — Mayor Lani

Kapamilya na namin si Jodi — Mayor Lani

SUPORTADO raw ni Bacoor, Cavite Mayor Lani Mercado ang lovelife ng kanyang mga anak dahil masaya ang mga ito.

Ani Mayor Lani, ”Alam mo, maligaya ako kung saan maligaya ang anak ko.

“Kung saan siya inspirado, kung saan siya humuhugot ng lakas at inspirasyon, wala namang problema sa amin.”

READ MORE:  Ang tindi ng arrive ng Jadine tandem!

Pero walang pag-aming namutawi sa bibig ni Mayor Lani kung nagkabalikan na sina Jolo at Jodi Sta. Maria at kung boto ito sa mahusay na aktres. ”Wala namang problema. Basta kung saan maligaya ang mga anak ko.”

READ MORE:  Wowowin, nakabawi sa August 9 episode

Pero pag-amin nito, nakakasama raw nila si Jodi kapag may espesyal na okasyon sa kanilang pamilya. ”Oh well, nagkikita kami.

“She’s present at the important occasion of the family.

“Ano na, bahagi na siya ng pamilya.”

“Basta lahat naman ng mga ini-introduce na girlfriend ng mga anak kong lalaki, eh.

READ MORE:  Melai, iniluwal na ang anak nila ni Carlo

“Siyempre bahagi na sila ng pamilya namin.

“At saka, kung paano ang pagmamahal ng anak ko, ganoon din ang pagmamahal namin sa kanila,” pagtatapos ni Mayor Lani.

MATABIL – John Fontanilla

COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved