Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / News / EJKs kabiguan ng PNP — Gen. Bato
EJKs kabiguan ng PNP — Gen. Bato

EJKs kabiguan ng PNP — Gen. Bato

AMINADO si PNP chief Director General Ronald dela Rosa, kabiguan ng pulisya ang pag-usbong ng extrajudicial killings (EJK) sa bansa.

Kaya hindi niya masisisi kung may mga sibilyan na nangangamba na baka mangyari sa kanila ang extrajudicial killings.

READ MORE:  Aresto vs Wang Bo ilegal

Ito ay kasunod sa resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS) na may 1,500 respondents o katumbas ng 78 porsyento ang natatakot na baka mabiktima sila o sino man sa kanilang mga kakilala ng extrajudicial killings.

READ MORE:  Buntis, 13 pa timbog sa droga

Ayon kay Dela Rosa, hindi na siya magmamalinis, inaamin  niyang nangyayari talaga ang mga patayang hindi kilala kung sino ang salarin.

Ngunit tiniyak ng PNP chief, ginagawa nila ang lahat para mapigilan ang mga insidente ng extrajudicial killings.

READ MORE:  Dagdag-pulis sa 8 lugar na tadtad ng krimen

Paglilinaw ni Dela Rosa, hindi sila natutuwa na may mga napapatay na Filipino lalo na ang mga mahihirap sa kanilang inilunsad na giyera kontra droga.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved