Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 54-anyos kelot dedbol sa bundol
54-anyos kelot dedbol sa bundol

54-anyos kelot dedbol sa bundol

BINAWIAN ng buhay ang isang 54-anyos lalaki makaraan mabundol ng kotse habang tumatawid sa Tondo, Maynila kamakalawa.

Hindi na umabot nang buhay sa Gat Andres Memorial Medical Center ang biktimang si Renato Balmes, residente sa 217 Penarubia St., Binondo, bunsod nang matinding pinsala sa ulo at katawan.

Ayon sa ulat ni SPO3 John Cayetano, ng Vehicle Traffic Investigation Section (VTIS) ng Manila Police District (MPD), dakong 12:25 am, tumatawid ang biktima sa kalsada sa Alay Puso St., Delpan, Tondo nang mabundol ng Toyota Vios (UWQ-936) na minamaneho ni Lawrence Baslote, 22, residente ng 1320 Carlos P. Garcia Street sa Tondo.

( LEONARD BASILIO )

COMMENTS

About Leonard Basilio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved