Saturday , September 22 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 1 sugatan sa pagsabog ng IED sa Basilan
1 sugatan sa pagsabog ng IED sa Basilan

1 sugatan sa pagsabog ng IED sa Basilan

ZAMBOANGA CITY – Isang sibilyan ang nasugatan makaraan ang panibagong pagsabog ng improvised explosive device (IED) sa Brgy. Sabong, Lamitan City, Basilan kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Asdali Nura Awwali, 22, nilalapatan ng lunas sa ospital.

Ang teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) ang tinukoy ng mi-litar na responsable sa naturang pagsabog ng IED sa lugar dahil pareho anila ang signature nito sa mga pinapasabog na bomba mula sa mga bandido.

Sa report ng 104th ng Brigade, nangyari ang pagsabog sa lugar ilang minuto bago ang nakatakdang pagdaan ng tropa ng mga sundalo ng 74th at 18th Infantry Battalion ng Philippine Army kaya naniniwala ang militar na ang mga sundalo ang target ng itinanim na bomba.

Napag-alaman, ang panibagong pagsabog ay nangyari ilang metro lamang mula sa su-mabog ding bomba ilang linggo pa lamang ang nakararaan na ikinamatay ng isang Army scout ranger at pagkasugat ng tatlong iba pa.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved