Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Septic Tank 2, para sa mahihilig sa romantic comedies
Septic Tank 2, para sa mahihilig sa romantic comedies

Septic Tank 2, para sa mahihilig sa romantic comedies

PERFECT timing ang pagpapalabas ng Septic Tank 2 ayon kay Eugene Domingo dahil in love at inspired ang lahat ng taong bumubuo nito mula sa artista, director, staff, at crew dahil nakapasok ito sa 2016 Metro Manila Film Festival.

Ani Eugene ”Ang ganda! Ang perfect ng timing. Ang perfect ng cast. Perfect ang script. It’s the perfect fa­mily mo­vie this Christmas.”

READ MORE:  Guji Lorenzana, carry ang magpaka-daring sa pelikula

Dagdag pa nito, “Mag-e-enjoy sila sa pelikula at kikiligin, kasi masaya, eh. Lalo na kung dadalhin nila ang barkada nila.

“Laugh trip siya. Dalhin mo ang family mo, barkada, boyfriend mo, girlfriend mo. Basta, kikiligin ka sa movie.”

READ MORE:  Bunso ni Sylvia, modelo na

“‘Yung ‘Septic Tank 1 is about poverty. Dito naman, crush na crush kaming lahat. Mararamdaman mo na lahat kami, in love.

“‘Yung Septic 1 kasi, naka-focus siya sa pagsali sa international film festival, sa paggawa ng indie film.

READ MORE:  Daniel, mag-aaral at kukuha ng Filmmaking sa UP

“Septic Tank 2 is connection niya sa mga mahilig manood ng romantic comedies.

“At saka, sino naman ang ‘di gustong ma-in love ‘pag nanonood ng sine, ‘di ba?”

Kabituin ni Eugene sa Septic Tank 2 sina Joel Torre at Jericho Rosales.

MATABIL – John Fontanilla

COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved