Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Lloydie, best friend for life ang turing kay Angelica
Lloydie, best friend for life ang turing kay Angelica

Lloydie, best friend for life ang turing kay Angelica

INAMINni John Lloyd Cruz ang pagiging single niya ngayon pero sobra naman niyang ini-enjoy dahil aniya, nararapat lamang na i-enjoy dahil minsan lang iyon nangyayari.

Mag-iisang taon na mula nang naghiwalay sila ni Angelica Panganiban pero ang maganda, nananatili ang kanilang pagiging magkaibigan at madalas pa rin silang nagkikita. Kung siya ang tatanungin, itinuturing niyang best friend for life o best friend forever (BFF) ang kanyang dating nobya.

READ MORE:  Eula Caballero, wild na nga ba?

Pagdating naman sa usapang balikan, ayaw itong sagutin ng aktor dahil para sa kanya, hindi ito ang tamang panahon para pag-usapan iyon.

JLC, Gusto raw lumipat sa ibang network?

Samantala, gaano naman katotoo ang balitang gusto nang mag-alsa-balutan si Lloydie at lumipat sa ibang network?

READ MORE:  Sharon, dream makasama si Regine sa pelikula

Kaya lang naisip namin, saan naman ito lilipat? May hihigit pa ba sa Kapamilya Network pagdating sa pangangalaga ng kanilang mga artista? Baka naman tsika lang ito o naglalambing lang ang bida ng Home Sweetie Home.

Gagawa ng pelikula kasama si Vice Ganda

Gayunman, balitang may pelikulang gagawin si John Lloyd kasama si Vice Ganda.

Ang tsika, may kondisyon ang aktor bago makasama si Vice sa isang pelikula. Kailanga daw makagawa muna sila ng isang episode sa Maalaala Mo Kaya tulad ng ginawa nila noon ni Sarah Geronimo. Gusto raw malaman ng aktor kung may magandang chemistry sila. Si Direk Cathy Garcia ang magdidirehe ng pinaplanong pelikula.

READ MORE:  Teaser pa lang ng serye nina Alden at Maine, nakakikilig na

STARNEWS UPLOAD – Alex Datu

COMMENTS

About Alex Datu

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved