Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Tetay, wala ng puwang sa malalaking network
Tetay, wala ng puwang sa malalaking network

Tetay, wala ng puwang sa malalaking network

PARANG hindi kapani-paniwala na ang dating Social Media Queen na si Kris Aquino ay nagtatag na lang ng sariling Interview Channel sa Facebook. Tila wala na kasing puwang ito sa tatlong giant network.

Anyway marami rin daw namang followers noong i-air ni Tetay ang kanyang interview kay Maine Mendoza na kasamahan sa APT.

Nakaaaliw naman si Kris sa totoo lang dahil punompuno ng pag-iingay saan man ito ma-host kesehodang FB lang.

READ MORE:  KC, ‘di na takot sumabak sa iba’t ibang klaseng roles

Sabagay, sa paraang ito sumisikat lalo si Mocha Uson na ngayon ay may malaking papel sa Duterte  administration.

Well, that’s life, kailangang gumawa ng paraan at help yourself or else mawawala ka sa mapa ng mga sikat.

Ystilo salon ni Vina, dumarami pa

NOONG December 10 ay nagpunta si Vina Morales sa SM Tarlac. Wala pa ring kupas ang kagandahan at pagiging singer ni Vina.

READ MORE:  Luis at Angel, nagkabalikan na! (Sa mga sweet moment photos ng dalawa)

Ginawa ang meet and greet niya sa fans sa maraming sangay ng Ystilo Salon sa iba’t ibang lugar sa Tarlac.

Kuwento ng radio announcer na si Joey Austria na nagtatrabaho kay Vina, araw-araw daw nakahilera ang mga gustong magpaayos sa salon ng aktres.

Jessy, naka-jackpot kay Luis

MARAMI ang nagsasabi sa amin na naka-jackpot si Jessy Mendiola kay Luis Manzano. Biruin n’yo, anak ng dating gobernador na ngayo’y kongresista at maraming negosyo ang kasalukuyang karelasyon.

READ MORE:  Pamilya ni Lee O’Brien, mamamanhikan na nga ba kay Pokwang?

Dasal lang ng mga nagmamahal sa dalawa na sana’y hindi mauwi saw ala ang relasyon ng dalawa tulad ng kay Jennylyn Mercado.

Sana naman daw ay sa simbahan na ang tuloy ng relasyong Luis at Jessy.

SHOWBIG – Vir Gonzales

COMMENTS

About Vir Gonzales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved