Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sari-Sari Channel may mga bagong handog ngayong 2017
Sari-Sari Channel may mga bagong handog ngayong 2017

Sari-Sari Channel may mga bagong handog ngayong 2017

ISANG malaking pagbabago ang ihahandog ng Sari-Sari Channel ng Cignal TV sa patuloy na pagbibigay ng momentum sa mga manonood. Nariyan ang Ha-Pi House, Red Envelope, Class 3C Has a Secret 2, at iba pa.

Ang Ha-Pi House ay nagtatampok kina Fabio Ide, Ali Khatibi, Prince Stefan, Empoy Marquez, Candy Pangilinan, Katarina Rodriguez, Phoebe Walker, at Karen Toyoshima. Ito’y ukol sa limang single na half-Pinoy at Pinay na nagtungo ng ‘Pinas para hanapin ang kanilang Pinoy roots.

READ MORE:  Arjo, nakausap at pinayuhan ni Hugh Jackman

Ukol naman sa pitong katao, na napili in ramdom ang binigyan ng red envelope na naglalaman ng note sa salitang Latin at ukol sa seven deadly sins ang Red Envelope na nagtatampok naman kina Meg Imperial, Ping Medina, at Alwyn Uytingco.

READ MORE:  Daniel, takot sumablay kaya ayaw nang mag-concert

Dreadful game of death naman ang Class 3C Has A Secret 2.

Isa rin sa bagong ihahandog nila ang 10 Signatures to Bargain with God na nagtatampok kina Shy Carlos at AJ Muhlach.

Isa ang Sari-Sari Channel sa mga nagbibigay ng entertainment show at isa sa fast channel na puwedeng pamilian ng exceptional Filipino entertainment. Ilan sa mga nag-click na show nito ang Class 3C Has A Secret, Barrio Kulimlim, Dalawang Gabi, Frenemies in Love, Mariposa, The Mysterious Case of Ana Madrigal, From the Beautiful Country, Wives of House No 2, at Where is Franco?

READ MORE:  Onyok at JC, mag-ama raw

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved