Tuesday , November 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Luis, nagbirong maghuhubad din nang mapanood ang lovescene nina Enchong at Jessy
Luis, nagbirong maghuhubad din nang mapanood ang lovescene nina Enchong at Jessy

Luis, nagbirong maghuhubad din nang mapanood ang lovescene nina Enchong at Jessy

KUWENTO ni Enchong Dee pagkatapos ng premiere night ng Mano Po 7: Chinoy, nagbiro raw si Luis Manzano habang pinanonood ang love scene nila ni Jessy.

“Nakatatawa nga kasi magkasunod ‘yung pagtanggal namin ng damit ni Jessy (sa MP7) Tapos narinig ko siya (Luis), ‘magtanggal na rin kaya ako ng damit.”  Alam naman ni Luis ‘yung trabaho namin, so. . .at saka artista rin si Luis, alam niya rin ‘yun,” bulalas ni Enchong.

READ MORE:  Cristopher Keim, umaarangkada ang career!

Nailang ba siya?

”Hindi. I’m actually proud doon sa ginawa ko, kasi alam niya na may respeto ‘yung paghawak ko kay Jessy, ‘di ba?,” pakli ng aktor.

Maganda ang feedback sa akting ni Enchong sa pelikula.

READ MORE:  Ala Eh! Festival, tiyak na darayuhin ng mga turista (Mga simbahan, dinarayo rin)

Pumasok ba sa isip niya na pwede siyang maging Best Actor kung pumasok ito sa Metro Manila Film Festival.

”Oo naman, naisip ko rin naman ‘yun, pero kasi, tapos na, eh. Kbaga, ang pwede na lang naming gawin is respetuhin ‘yung pagbabago na ibinigay ng Metro Manila Filmfest committee. Next year, subukan ulit natin kung mabibigyan ng pagkakataon, ‘di ba?

READ MORE:  Maricar Reyes, peg maging GF ni Erik Santos

”Pero sa ngayon. . .katulad nga, like kayo, napanood ninyo, at least, nakatatak sa inyo kung anuman ‘yung klase ng role na ginampanan namin.”

Nanghinayang ba siya?

“May panghihinayang, oo. Pero sabi ko nga, siguro,  after ng tatlong araw, nag-move-on na rin ako,” deklara pa niya.

TALBOG – Roldan Castro

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved