Thursday , April 25 2024

Paolo, sobrang naiyak sa sobrang kaligayahan

Samantala, malungkot si Paolo sa Pasko dahil hindi niya makakasama ang anak dahil hindi raw makauuwi na galing sa ibang bansa.

“Hindi, eh, kasi busy mag-promote kaya wala rin akong time, sayang naman at saka may pasok din siya. Kaya ako na lang ang pupunta roon, siguro sa Holy Week kasi mahaba-haba ang bakasyon namin,” sabi ng aktor.

Bago nagsimula ang Q and A ng Die Beautiful ay ipinakita ang video greetings kay Paolo ng Dabarkads niya sa Eat Bulaga kasama pa ang kapatid at magulang ng aktor na dahilan kaya tuluyan na siyang umiyak.

“Sobrang happy ako, sobra, wala na akong masasabi pa,” garalgal na sabi ng aktor.

Naka-relate ang ibang press kay Pao dahil iyak siya ng iyak at nagkatawanan lang sa mensahe ni Pauleen Luna-Sotto na, “noong nagsisimula pa lang kami (showbiz) ni Paolo, magkasama kami lagi niyan, sobrang crush na crush ko siya kasi ang guwapo, ‘di ba? Eh, ngayon, mas maganda na siya sa akin.”

Mapapanood na ang Die Beautiful sa Disyembre 25 mula sa direksiyon ni Jun Robles Lana at bukod kay Paolo ay kasama rin sina Joel Torre, Luis Allandy, Gladys Reyes, IC Mendoza, Inah de Belen, Albie Casino, Christian Bables, Cedrick Juan at special participation nina Eugene Domingo at Iza Calzado.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *