Thursday , September 23 2021

Salamat Mayor Bistek!

INILIBRE ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang lahat ng movie press na nag-birthday ng August, September, October, November and December na ginanap sa Salu Restaurant sa Sct. Torillo cor. Sct. Fernandez na pagmamay-ari ng mga Bautista.

Wala si Mayor Bistek at nasa Mexico ito para sa isang official trip kasama ang iba pang government officials.

Instead, ang nakababatang kapatid na si Harlene ang nag-estima sa amin (yes, kasama ako dahil November celebrator ako).

Sabi ni Harlene, itinutuloy lang daw nilang magkakapatid ang tradisyon na inumpisahan ng kanyang nanay na noong araw, na kapag may movie press na nagbi-birthday ay pinakakain ito ng libre sa kanyang restaurant sa may malapit sa Immaculate Conception sa Cubao.

Thank you so much Mayor Bistek, Harlene and to the rest of Bautista siblings. Mabuhay kayo!

MAKATAS – Timmy Basil

About Timmy Basil

Check Also

Manny Pacquiao, Jinkee Pacquiao

Jinkee suportado ang pagtakbo ni Manny sa pagka-pangulo

FACT SHEETni Reggee Bonoan KAHAPON naman ay ipinost ng wifey ni Senator Manny Pacquiao, si Jinkee Pacquiao sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *