Saturday , April 20 2024

Sangkot sa droga pinatay sa harap ng asawa

PATAY ang isang lala-king sinasabing sangkot sa ilegal na droga makaraan pagbabarilin sa harap ng kanyang misis ng tatlong hindi na-kilalang lalaking hinihinalang mga miyembro ng vigilante group kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Agad binawian ng buhay ang biktimang si Roberto Pastor, 36, ng Block 24, Lot 5, Celina Subdivision, Saranay Homes, Brgy. 171, Bagumbong ng lungsod.

Ayon kay Caloocan Police North Extension Office (NEO) PO1 Divine Grace Rola, dakong 12:34 am, habang natutulog sa loob ng kanilang bahay ang biktima sa tabi ng kanyang misis na si Me-lody, 41, pumasok ang tatlong suspek saka pinagbabaril si Pastor.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *