Sunday , April 21 2024

Drug suspect itinumba

NATAGPUANG patay ang isang lalaking hinihinalang sangkot sa droga sa isang damuhan sa gilid ng kalsada sa Brgy. Taal, Bocaue, Bulacan kahapon ng madaling-araw.

Ayon sa ulat, ang biktima ay natagpuang balot ng packaging tape ang buong mukha at nakagapos ang mga kamay at paa.

Napag-alaman, may iniwanang karatula sa katawan ng biktima ang mga suspek na may hashtag ma “Sistemador kayo na ang susunod.”

Hindi pa tukoy ang pangalan ng biktima na may tattoo ng barbwire sa kanang braso at nakasuot ng itim na damit at maong shorts.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Bocaue PNP, may tama ng saksak sa leeg at likod ang biktima.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *