Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Call center agent patay sa cement mixer

PATAY ang isang call center agent nang mabangga at maka-ladkad ng isang cement mixer ang sinasakyang motorsiklo kahapon ng madaling araw sa San Andres Bukid, Maynila.

Sa ulat ni Supt. Jerry Corpuz, OIC station commander ng Manila Police District Sta. Ana Station (MPD-PS6), kinilala ang biktimang si Joshua Mari Webb, 24, residente sa Gonzales St., Malate, Maynila.

Sa imbestigasyon ni PO2 Isagani  Sabrine, naganap ang insidente dakong 3:05 am sa Osmeña Highway sa kanto ng San Andres St., San Andres Bukid.

Binabagtas ng biktima ang nasabing lugar lulan ng motorsiklo nang mabangga siya ng cement mixer (AGA 9344) na minamaneho ni Mario Lamigas, 46, ng Peakson Mia East Road, Tikling, Taytay, Rizal.

Pumailalim ang biktima at nakaladkad ng cement mixer na nagresulta sa agaran niyang kamatayan.

Tinangkang tumakas ng suspek ngunit naaresto sa Pedro Gil St., kanto ng Tejeron Street sa Sta. Ana, Manila.

(LEONARD BASILIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …