Thursday , September 23 2021

Bailey at Ylona, bagong iidolohin ng masa

SUCCESSFUL ang Bench launch nina Bailey May at Ylona Garcia. Sila ngayon ang maituturing the fastest- rising young stars in the entertainment industry. Tinitilian at iniidolo ng fans lalo na ang mga young generation tulad nila.

May chemistry kasi ang dalawa  kaya kinagigiliwan silang panoorin ng kanilang mga tagahanga.

After the fashion show, kinantahan nina Bailey at Ylona ang kanilang  fans on stage at nag-duet pa sa awiting O Pagibig composed by Jamie Rivera para sa kasiyahan ng mga manonood. Marami ang nagsasabi na ang team-up nila ang bagong iidolohin ng bagong henerasyon after the three famous  loveteams—KathNiel, JaDine, at LizQuen.

Here comes the newest teens tandem Bailey and Ylona. “We’re honored and flattered of course happy and blessed,” said Bailey.

Tinanong namin si Bailey kung ini-enjoy nito ang company ni Ylona. Ang ang sagot ng Filipino-British teenstar, “Oh yes, we like each other a lot. I really enjoy being with her. She’s sofunny, masayang kasama and we have fun together,” said Bailey. “We’re really really good friends, enjoying the ride…” sambit naman ni Ylona.

If ever Ylona will be paired with other actors, is it okay with Bailey? “I will allow her, it’s up to her to decide.”

Say namanni Ylona, “You never know what future hold.”

Kahit busy sa schedule sina Bailey at Ylona, hindi sila nakarraramdam ng pagod. Hindi raw nila sasayangin ang break na ibinigay sa kanila ng ABS-CBN at ng kanilang fans. Hindi raw lahat nabibigyan ng ganitong opportunity kaya dapat mahalin ang trabaho at magpasalamat sa lahat ng blessings.

“We love our loveteam, walang pilitan. We like each other… it’s a secret. Bailey is crazy…” nakatutuwang paliwanag ni Ylona.

Bailey is a Filipino-British TV personality, actor commercial model and recording artist. Nakilala sa internet nang i-post niya ang sariling video singing the songs of various artists like Sean Kingston and Daniel Padilla.

Nanalong 3rd runner-up (4th Teen Big Placer) 10th year edition of Pinoy Big Brother 737 at ABS-CBN. Una natin siyang napanood sa primetime series na On The Wings Of Love playing the role of Harry, the love interest of Audrey Olivar played by Ylona.

Dream come-true para kay Ylona ang kanyang debut album entitled  My Name Is Ylona Garcia under Star Music.

“It’s been my dream to record an album. It’s something I’ve always wanted to do and it’s an amazing opportunity that was given to me,” pahayag ng teenage half Pinay half Aussie.

ANIK-ANIK – Eddie Littlefield

About Eddie Littlefield

Check Also

Manny Pacquiao, Jinkee Pacquiao

Jinkee suportado ang pagtakbo ni Manny sa pagka-pangulo

FACT SHEETni Reggee Bonoan KAHAPON naman ay ipinost ng wifey ni Senator Manny Pacquiao, si Jinkee Pacquiao sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *