Saturday , April 20 2024

Mainit na eksena nina Jessy at Enchong, suportado ni Luis

TALK of the town ang mainit na eksena nina Jessy Mendiola at Enchong Dee sa Mano Po 7 Chinoy. Hindi raw ba nagselos ang rumored boyfriend ni Jessy na si Luis Manzano?

Actually, supportive nga raw si Luis sa bagong pelikula niya.Nagbiro pa nga raw ito na mag-cameo raw siya at kinukulit daw si Mother Lily Monteverde ng Regal Entertainment Inc..

Ayon kay Jessy, sanay na raw siya kay Enchong sa mga maseselang eksena. Matagal na raw niyang nakatrabaho ito sa mga intimate scene. Alam na raw nila kung ano ang dapat gawin. Ang hindi lang kinaya ni Jessy ay ‘yung ipa-dub sa kanya ang halikan nila ni Enchong kaya ipinaubaya na lang niya sa dubber.

Showing na ang Mano Po 7 Chinoy sa  December 14 na tampok din sina Richard Yap, Jean Garcia, Janella Salvador, Jake Cuenca, Marlo Mortel, Jana Agoncillo, Kean Cipriano. Ito ay sa direksiyon ni Ian Lorenos.

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Gary Valenciano Star Magic ABS-CBN

Gary V handang umarteng muli sa harap ng kamera, bahagi na ng Star Magic family 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PANIBAGONG career milestone ang naitala ng pambansang Mr. Pure Energy …

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *