Friday , March 29 2024

Coco, natakot kay Bernal, napilitang maghubad sa shower scene

AMINADONG nag-alangang maghubad si Coco Martin sa shower scene niya sa pelikulang The Super Parental Guardians pero ginawa pa rin niya dahil natakot daw siya kay Direk Joyce Bernal.

“It was fun. Sa akin siyempre, it was fun kahit bestfriend ko ‘yung nakahubad, may malisya sa akin,” tumatawang reaksiyon ni Vice Ganda sa nasabing eksena.

“Sa akin naman iba, hindi ako kumikibo pero pagdating ko ng set sa umaga ayaw ko ng ano… kasi  ayaw ko,eh. Pero wala akong magawa dahil nakasulat ganyan tapos natatakot kasi ako kay Direk Joyce  ha!ha!ha! No choice ako. Ayaw kong ma-disappoint siya sa akin, eh.’Ang arte pala nito katrabaho. Ang tigas pala ng ulo nito’. Alam mo ‘yun.. Pero alam niya kung ano ‘yung limitation, alam niya hanggang saan,” sambit ni Coco.

Pero sad ang Primetime King dahil nabigo siyang maisama sa parada ng Metro Manila Film Festival sina Simon ‘Onyok’  Pineda at Awra Briguella na kasama rin nila sa pelikula. Iba raw kasi ang pakiramdam na nakasakay sa float at nakikita ang mga tao. Gusto ni Coco na ma-experience sana nina Awra at Onyok ‘yun.

Pero kung hindi man sila nakasali sa filmfest ay alam niya na may purpose at dahilan. Na-reject man sila ay may magandang nangyayari para sa pelikula.

“Ako dumaan ako sa pagkabata na lagi kong nilu-look forward na ‘pag Metro Manila Film Festival, nanonood kami ng family ko ng movie, bonding ‘yun . Tapos noong  nakasama ako sa ‘Feng Shui’ at saka sa ‘Beauty and the Bestie’, everytime na nagpa-parade ka sa Roxas Boulevard , iba ‘yung pakiramdam na nakikita mo at nakikipag-interact ka sa mga  tao ng personal, na nakikita mo na napakasaya nila habang nakikita ka. Tapos alam mo ‘yung  mayroon kang maisi-share at maireregalo sa kanila sa Kapaskuhan lalo na noong ginawa namin ang Beauty and the Bestie na tuwang-tuwa sila at kahit tapos na ang Pasko, parang ang saya-saya pa rin nila,” deklara ng magaling na actor.

Anyway, marami tuloy ang nagtatanong kung lalangawin ba at magiging masaya ba ang parada sa MMFF 2016 dahil bilang na bilang ang mga big star sa mga opisyal nilang entries ng MMFF? Nandiyan lang sina Nora Aunor, Eugene Domingo, Paolo Ballestros, Albie Casino, Luis Alandy, Ricky Davao, JC De Vera, Jason Abalos, Victor Neri, Rhian Ramos, Joem Bascon, Dominique Roque, Julia Barretto, Joshua Garcia, Ronnie Alonte at karamihan super starlet na. Gaganahan ba ang mga tao na pumunta sa Luneta para manood ng parade? Magtitiyaga ba ang mga fan na walang Vice Ganda, Coco Martin, Vic Sotto, Richard Yap, Enchong Dee atbp na makikita?

Anyway, back to The Super Parential Guardians, aminado sina Coco at Vice na ibang katatawanan din ang naibigay nina Onyok at Awra sa  tandem. Ibang sangkap na nag-swak para lalong sumaya ang kanilang pelikula. Nakasentro rin daw sa dalawang bata ang istorya bukod sa kanila kaya napaglaruan din ni Vice ang mga bata para sumaya ang movie. Last year daw kasi silang dalawa lang ni Coco ang naglaro sa pelikula. Kumbaga, nagkaroonn ng malalim na flavor dahil sa dalawang bata. Nagkaroon ng katuwang sina Vice at Coco.

Samantala, pinaaga at pinahaba nina Vice at Coco ang Pasko dahil showing na ang The Super Parential Guardians sa Nov. 30 under Star Cinema.

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Marissa Delgado Marian Rivera

 Marissa Delgado tagahanga ni Marian, gandang-ganda sa aktres

RATED Rni Rommel Gonzales SI Marissa Delgado, na gumaganap na si Nova, ang masungit na biyenan ni Marian …

Xian Lim

Xian sa love: painful and a magical feeling

MA at PAni Rommel Placente NOONG nakaraang Biyernes, March 22, si Xian Lim ang naging guest sa Fast …

Cristy Fermin Baron Geisler

Cristy Fermin napatunayan anak ni Baron sa isang aktres

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TILA naging vindication naman para sa ating kaibigan at nanay-nanayang Cristy Fermin ang …

Baron Geisler Cristine Reyes Dearly Beloved

Baron binago estilo sa acting, Cristine magaling pa rin

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NANIBAGO kami sa ipinakitang acting ni Baron Geisler sa Dearly Beloved, ang latest movie …

Marianne Beatriz Bermundo Khristine Kate Almendras Ornopia Aspire Magazine Ayen Cas

Aspire Magazine tuloy na pag-arangkada; 2 beauty queen inihataw ang galing

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBILIB ang publisher ng Aspire Magazine na si Ayen Cas dahil sa bawat issue …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *