Thursday , April 25 2024

Erich, ‘di naniniwala sa mga premonition (Sa kasalang Pinang at Phil…)

HINDI naman itinanggi ng magkarelasyong Erich Gonzales at Daniel Matsunaga na napag-uusapan na nila ang kasal at nagkakatanungan nga kung saan ito gaganapin since pareho silang Christian.

Napunta ang usapan sa kasalan dahil ikinasal sila sa seryeng Be My Ladyna hanggang Nobyembre 25 na lang mapapanood.

Halos lahat ng nagtatapos na teleserye ay ang pagpapakasal ng dalawang bida ang finale scene pero sa Be My Lady ay iba raw, sabi ng business unit head na si direk Ruel S. Bayani dahil ikinasal na sila at abangan ang susunod na mangyayari.

Anyway, nabanggit ng DanRich na habang kinukunan ang wedding scene nila ay naging emosyonal silang lahat kasama ang buong cast ng Be My Lady dahil nga malapit na silang maghiwa-hiwalay.

Kuwento ni Daniel, ”It was one of the times that we had everyone together, ’di ba? And we had all the emotions going on including malapit nang matapos, ’di ba? One week na lang.

“And at the same time, you see the love of your life, your real girlfriend entering, ’di ba? Kaya super-real na real ang mga emotion namin kaya iyak nang iyak kami noong umpisa.”

Ang kuwento naman ni Erich sa tanong tungkol sa tunay nilang kasal ni Daniel.

“Everything has its time naman so siyempre, when we get there naman, we’ll let you know but as per Phil and Pinang’s wedding, sobrang thankful lang talaga kami sa lahat kasi it’s not easy talaga na gawin ’yung ganoong klaseng wedding kasi, unang-una, ’yung hand to mouth kami ngayon, ’yung taping namin, everyday which is like mga two hours lang ’yung sleep, and then our location pa is in Pampanga and sobrang dami ng ano. ’Yung weather, sobrang init, pawis, lahat and then ’yung mga insekto, sari-sari ’yan every night.

“So, noong napanood na namin, sabi namin, sobrang worth it talaga lahat at ’yung mga feedback ng viewers like sa social media, sobrang ’yun talaga ang nakapag-iinspire pa sa amin to do our best kasi our goal naman talaga from the beginning was very clear to make their mornings a good one and you know, positive and so far po, ’yun naman po ang nangyayari so we’re just very grateful and very honored to be part of the show and we will forever treasure this opportunity,” pahayag ng aktres.

Samantala, pagkatapos ng Q and A ay biniro namin si Erich kung anong masasabi niya sa isinulat namin noon na sila na ni Daniel na itinanggi niya sa presscon ng Two Wives at sabay sabing, ‘ate Reggs, nang-iintriga ka ha.”

Isinulat namin ang dalawa na nasa Grub Restaurant, dalawang taon na ang nakararaan na sobrang sweet habang nagpapalipas ng oras dahil guest ang aktres sa programa noon nina Boy Abunda at Kris Aquino.

Tumawa si Erich kaya tinanong siya ni Daniel kung ano ‘yun at sabay lingon sa kasintahan, ‘remember when we have a promo, we were in Grub? She wrote it.

Sabay sabi ng aktres, ”wala pa kami noon , char lang ha, ha, ha. Wala pang aminan noon na kami.”

Tinanong namin ang dalawa kung hindi ba sila naalarma na baka mauwi sa hiwalayan ang relasyon nila dahil pumayag silang makunan ng naka-damit pangkasal?

Ganito kasi ang nangyari noon sa mga magkakasintahan at naging mag-asawang Gabby Concepcion/Sharon Cuneta at Carmina Villaroel/Rustom Padilla bukod pa sa mga magkasintahan noong sina Sharon at Richard Gomez at marami pang iba.

Katwiran ni Erich, ”we don’t believe po in premonitions, we believe in God, so if God willing, sa tamang panahon po mangyayari iyon, eh, ‘di masaya. Honestly, hindi po natin alam kung anong mangyayari sa future kung kami ba talaga in the end.  But like right now, ini-enjoy po namin ang isa’t isa at ‘yung foundation ng relationship namin in Jesus Christ.

“Alam din naman namin na in every relationship, hindi lang ‘yun puro saya lang, ‘di ba? Darating tayo sa punto na may mga inisan o magagalit ka. But at the end of the day, there’s two people na who refuse to give up on each other and we’ll make it work naman and we’re almost two years na rin po.”

Oo nga naman, na kina Daniel at Erich na iyon kung magpapa-apekto sila.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *