Saturday , April 20 2024

Pangulong Duterte totoong tao hindi plastic!

ALAM ninyo mga suki, hindi sa kinakampihan ko si Pangulong Duterte, ang sa akin lang ay masanay na tayo na ganoon sya magsalita.

Minsan para mawala ang galit niya ay nagbibiro siya. Dahil totoong tao siya.

Nagkaton din na naroon si VP Leni Robredo kaya kaysa magmura, naisip na lang niyang biruin.

Nagalit kasi si Tatay Digong nang hanapin n’ya ‘yung pondo ng Yolanda dahil nakita niya na konti pa rin ang nagagawang bahay.

Hindi kasi siya plastic na tao.

Prangka ang Pangulo at may sense of humor.

The best pa rin si Pangulo Digong.

***

Si NBI director Atty. Dante Gierran ay talagang walang kapaguran a trabaho.

Nag-out of town siya para tingnan mabuti ang operation at trabaho ng NBI.

Ngayon ipinag-utos na ng Pangulo ang lifestyle check sa lahat ng ahensiya ng gobyerno at imbestigahan ang mga protektor ng mga drug lord ay kumilos agad si Director Gierran.

Kahit abutin ng gabi sa kanyang opisina si Director Gierran basta masiguro niya na natapos at nabasa niyang mabuti ang paperworks sa mesa niya.

God-fearing at nagdarasal bago kumain, nakita ko rin sa kanya na nasa isip niya, “Seek first the Kingdom of God.”

Kaya marami ang humanga sa kanya.

God bless us all. Mabuhay si Pangulo at NBI Director Atty. Dante Gierran.

***

Hapi birthday pala kay Jennifer Layosa-Legaria sa office ni BOC-NAIA District Collector Edgar Macabeo.

God bless you iha and more birthdays to come!

***

Sa wakas maililibing na si dating President Apo Ferdinand Marcos.

Tama na ‘yang  paghihiganti kasi nagkakawatak-watak na naman ang mga Filipino.

Ang desisyon ng Supreme Court at si Pres. Duterte ay sundin na lang para may katahimikan ang ating bansa.

Tama si Sen. Bongbong na magkaisa na para umusad na tayo at huwag puro paghihiganti ang nasa isip at pamomolitika.

Siyanga pala, pinapurihan ko si  Senator Bongbong at Senator Chiz sa ginawa nilang pagbisita sa NBI Anniversary.

Pinuri nila ang NBI sa ginawang magandang serbisyo sa bayan. Kakaiba talaga sila!

Mabuhay ka Sen. Bongbong at Sen. Chiz!

PAREHAS – Jimmy Salgado

About Jimmy Salgado

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *