Thursday , September 23 2021

Matteo, kabi-kabila ang blessings nang maging sila ni Sarah

MULA nang maging girlfriend ni Matteo Guidicelli ang Pop Princess na si Sarah Geronimo, kabi-kabila na ang blessings ng actor.

Hindi lang sa pag-arte huh, kundi pati sa pagkanta. Nagkaroon ng album si Matteo na sa tingin ko bumenta naman at sa ngayon ay nagko-concert na siya. In fact, may malaking concert siya sa Waterfront Cebu sa Novemer 18 na pinamagatang Matteo Made In Cebu.

Hindi basta-basta ang sumsuporta sa major concert na ito ni Matteo, ang magaling na si KZ Tandingan at si Martin Nievera lang naman ang kanyang mga guest.

At ang maganda kay Matteo, ‘yung first love niya na sports ay ‘di niya naisantabi. Pinaglalaanan talaga niya ito ng oras at sumasali pa rin siya sa malalaking sports event gaya ng triathlon at car racing paminsan-minsan.

Eh si Sarah kaya kumusta ang career nang maging sila ni Matteo?

Hmmmm, sa tooo lang ewan ko kung napapansin ninyo pero medyo sa tingin ko bumaba ng ilang percentage ang kanyang popularity.

MAKATAS – Timmy Basil

About Timmy Basil

Check Also

Manny Pacquiao, Jinkee Pacquiao

Jinkee suportado ang pagtakbo ni Manny sa pagka-pangulo

FACT SHEETni Reggee Bonoan KAHAPON naman ay ipinost ng wifey ni Senator Manny Pacquiao, si Jinkee Pacquiao sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *