Wednesday , April 24 2024

US$1-B railway project solusyon sa trafik — Lopez

BAGONG tren ang solusyon sa mabigat na trapiko mula Diliman, Quezon City hanggang Quiapo, Maynila.

Isang panibagong railway project mula Diliman hanggang Quiapo ang nais itayo ng isang Malaysian company, ayon kay Trade and Industry Secretary Ramon Lopez sa pulong balitaan sa Grand Hyatt Hotel sa Kuala Lumpur, Malaysia kahapon.

Sinabi ni Lopez, isang bilyong dolyar ang nilagdaan ng Malaysian company na East West Rail Transit Corporation katuwang ang A. Brown, local company ng Filipinas sa ilalim ng public-private partnership (PPP) project.

Ayon kay Lopez ang Department of Transportation ang mamahala sa naturang proyekto at daraan aniya sa normal na proseso ang proyekto para makita ang iba pang offer.

Una rito, sinabi ni Lopez, mas marami nang mamumuhunan ang nagpahayag ng interes na magnegosyo sa Filipinas dahil sa pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na wawalisin ang korupsiyon sa pamahalaan.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

drugs pot session arrest

4 arestado sa pot-session sa Valenzuela

SWAK sa kulungan ang apat katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot …

arrest prison

Sigang tambay, kulong

‘IBINALIBAG’ sa selda ang 22-anyos tambay makaraang pumalag at ‘magpamalas ng kabangisan’ nang ireklamo ng …

Win Gatchalian

Mas maigting na pakikilahok ng LGUs sa edukasyon isinusulong ni Gatchalian

MULING isinulong ni Senador Win Gatchalian na paigtingin ang pakikilahok ng local government units (LGUs) …

Namatay sa baha sa Dubai
LUBOS NA TULONG MARAPAT IGAWAD SA TATLONG OFWs

KASUNOD ng pagpapaabot ng taos-pusong  pakikiramay sa pagkamatay ng tatlong overseas Filipino workers (OFWs) sa …

Paco Catholic School Fire Sunog

Pagkatapos ng P15-M sunog sa palengke
PACO CATHOLIC SCHOOL NO FACE-TO-FACE CLASSES

INIANUNSIYO ng Paco Catholic School (PCS) ang suspensiyon ng face-to-face classes simula bukas, Martes, 23 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *